Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim nakakalula sa laki, ganda ang bagong bahay

0 534

Ang mala-mansion na bahay ang pasabog ni Kim Chiu sa ‘Bagong Taon’. Mapapa-‘sanaol’ ka na nga lang sa bonggang bagong bahay ni Chinita Priness, ha!

Sabi nga niya, kung naging madilim daw ang 2020 sa buhay niya, na nadurog ang buhay niya, bawing-bawi naman daw sa 2021, dahil umulan ng biyaya.

Isa nga raw sa mga biyaya ni Kim ay ang naging ambassador siya ng H&M swimwear, kaya mas lalo raw niyang minahal ang kanyang katawan, mas naging confident siya sa body niya.

At sa dulo nga ng kanyang vlog, ang ‘Thank You 2021 #TYL’ ay pinasilip na nga niya ang kanyang mansion.

“Lastly nakatanggap ako ng blessing bago matapos ang 2021. Pangarap ko talaga ang magkaroon ng ganito. Pero, hardwork talaga, and a little bit of dream, yehey. Pero bago pa tayo magkaiyakan, isi-share ko na sa inyo ang aking bagong blessing.

“Happy New Year!” sabi ni Kim na tuwang-tuwa, pero naiiyak pa rin.

Anyway, hindi ko na lang sasabihin ang lugar, pero obyus na nasa mataas itong lugar, dahil super hangin, at kung titingnan mo, wala pa siyang masyadong kapitbahay. At siyempre, super ganda ng bahay, na tatlong palapag, na puro salamin, at ang bongga ng swimming pool na nasa gilid ng malaking bahay.

Sabi nga ng mga fan ni Kim, ‘Nindot kayo imong balay’.

Milyones nilustay sa shopping:

Vice Ganda tumalak sa mga inggitera

Ang lambot-lambot ng dating ni Vice Ganda sa New Year’s photo nila ni Ion Perez, ha! Sabi nga ni Kim Chiu, mas malambot pa sa ‘smores’ si Vice dahil sa off shoulder outfit nito na puro flowers, at mas nakakaloka na ‘twinning’ nga sila o his and hers ang datingan nila.

Bigla ko ngang naalala si Kris Aquino kay Vice. Dahil di ba, kapag may dyowa si Kris, automatic na agad na kapag may mahalagang okasyon ay pareho ang suot (kulay) nila.

Anyway, medyo late ang vlog ni Vice, dahil ngayon lang niya na-upload ang video na kinunan noong December 24, ang ‘Last Minute Christmas Shopping’ na kung saan ay malulula ka rin talaga sa mga bongga, mamahaling regalo niya para sa kanyang pamilya.

Sa Solaire Hotel nga nag-shopping si Vice, at puro branded talaga ang pinakyaw niya. Sa tantiya ko, umabot ng ilang milyon ang pinang-shopping ni Vice.

Pero siyempre, nagpahaging na agad si Vice sa mga posibleng tumalak sa kanya, sa mga inggitera niyang mga basher, na kesyo mas gumastos pa sa pagsa-shopping, kesa tumulong sa mga mahihirap, o biktima ni Odette.

“At sa mga dalahirang chismosa riyan na sasabihin, naku shopping-shopping pa, ang daming mahihirap na nasalanta ng bagyo, kalma lang kayo. Para sa ipapanatag ng loob niyo, nagawa ko na ang dapat gawin,” sabi ni Vice.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.