Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim nahiya sa ‘lambingan’ kay Xian

0 273

Kinalawang, ‘yan nga ang pakiramdam ni Kim Chiu, sa muli niyang pagsabak sa acting, sa reunion movie nila ng dyowang si Xian Lim, na ipu-produce ng Viva Films.

Sinugalan ng Viva ang team-up ng KimXi dahil ramdam nilang papatok ito sa mga manonood, lalo na at 2020 pa sila ang huling napanood na magkasama sa serye ng ABS-CBN.

Humingi ng paumanhin si Kim sa direktor ng pelikula nila ni Xian dahil sa aberyang idinulot ng pangangalawang daw ng aktres.

“Nangangalawan na in me…lels. Thanks for the patience direk @dadolumibao looking forward for people to see this movie,” sabi ni Kim.

Sa nasabing post nagpa-sample si Kim ng mga larawang kuha sa look-test nila ni Xian na naglalambingan sila.

Sabi ni Kim, nailang, naghiya sila ni Xian, dahil matagal daw silang hindi umarte na magkasama.

“Mukha pang nagkakahiyaan! @xianlim it’s been a while, it feels different, but I’m excited. I guess this is how it feels acting with you after so many years! Thank you @viva_films. Miss being in this field so much. Thanks again!” sabi pa ni Kim.

Dahlia mabait, magalang

Gaya ni Anne Curtis, sigurado ngang lalaki ang anak na si Dahlia na may paggalang at pagkilala sa mga nakakatanda.

Mapapanood sa Instagram ni Erwan Heussaff si Dahlia na tinuturuan na mag-prepare ng gagawin nilang ice cream. Mula sa pagbabalat ng saging, pagdurog sa avocado, pagpiga ng lemon at pag-blender ay tinuruan ni Erwan ang anak.

Nang matapos ang proseso, inilagay na sa ice cream molder ang ginawang krema. Nang iabot na ni Erwan ang ice-cream popsicle kay Dahlia, maririnig na sinabihan ito ni Anne na, “What do you say?”

Sumagot naman ang bata na, “Thank you po.”

Nalusaw sa tuwa ang mga follower ni Erwan sa pagiging magalang ni Dahlia, at kahit si Anne ay nag-comment sa post at ikinatuwa nito ang narinig mula sa anak.

Gab tinamaan ulit ng virus

Tinamaan ulit ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon ang anak nina Gary Valenciano, Angeli Pangilinan, na si Gab Valenciano.

Sa video na pinoste ng kapatid niyang si Paolo Valenciano sa Instagram, makikitang hinagisan niya si Gab ng dalang pagkain.

Nasa ikalawang palapag at veranda si Gab sa tinitirhan nito, at nasa labas lang si Paolo na naka-face mask.

Nasalo naman ni Gab ang supot ng pagkain at umalis na rin agad si Paolo.

“When you’re positive on your birthday,” caption ng video..

Inulit uli ito ni Paolo sa kanyang message kay Gab.

“Y u gotta be so positive today @gabvalenciano?! Happy birthday we love you!!!” say pa ni Paulo.

Birthday ni ni Gab nong June 11. Hindi nilinaw ni Paolo kung late post ba `yon at naka-recover na si Gab.

Pero sa post ni Gab sa IG, makikitang dumalo na siya sa opening ng bagong branch ng business niya.

Angeline irarampa si Sylvio sa Tate, Canada

Sa September at October pa ang concert series ni Angeline Quinto sa US at Canada pero ngayon pa lang inasikaso na niya ang mga dokumento para mabitbit ang baby niya  sa abroad.

Hindi papayag si Angeline na maiwan nang matagal sa Pilipinas ang baby kaya inasikaso na niya ang passport ng bata.

Bitbit nga niya ang baby sa para kumuha ng passport. Kasama ni Angeline ang boyfriend-partner.

“Baby Sylvio first day out! Got his first ever passport, ready na maging jetsetter ang baby love ko!! Yeyyy!” sabi ni Angeline.

Leave A Reply

Your email address will not be published.