Una sa Balita

Kim, Nadine todo suporta kina Xian, James

Matteo no-show sa premiere night ng ‘Granny’ ni Sarah

By
0 542

Bumawi nang husto si Sarah Geronimo sa pelikulang “Miss Granny” na talaga namang umani ng sobrang papuri mula sa press people at audience na sumugod sa red-carpet premiere night nito sa Cinema 7 ng Trinoma noong Lunes, August 20.

Pinalakpakan ang kanyang sterling performance bilang batang Miss Nova Villa sa papel ni Odrey kung saan ay nagpakita nga siya ng natural na acting, pero swak na swak sa kanyang karakter.

Hindi rin talaga matatawaran ang kanyang boses sa ilang musical number niya rito lalo na ang kanyang tour de force revival ng kantang “Forbidden Love” na sumikat many years back.

Ramdam na talagang inspired dito ang Popstar Princess lalo na’t suportado rin siya ng magaga­ling na artista katulad nina Ms. Nova Villa na halos kahati niya sa haba ng exposure sa pelikula, Nonie Buencamino, Boboy Garovillo at siyempre pa sina James Reid at Xian Lim.

Ayon nga sa reaksiyon ng mga tao, surefire ito sa box-office dahil napaka-commercial nito, pero very entertaining din naman.

‘Yung tipong kahit ina­antok ka na, pero hindi ka talaga bibitaw sa kuwento dahil alam mong interested kang mapanood ang bawat eksena.

Samantala, nagbigay din ng oras si Kim Chiu para sa kanyang partner na si Xian Lim, lalo na nga’t nabanggit ni Xi sa interview namin sa kanya na hindi sila madalas magkasama lately, pero tuloy naman ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa.

Isa siya sa maagang dumating, pero umiwas nang makapanayam on stage dahil dire-diretso na ito sa loob ng sinehan.

Katulad ni Kim, gumawa rin ng ingay si Nadine Lustre na solong rumampa in support din siyempre kay James Reid na simple lang ang role, pero rock.

Ilang Viva artists din ang dumating kasama na siyempre ang Big Boss ng Viva Entertainment Inc. na si Boss Vic.

Pero, na-miss ng lahat si Matteo Guidicelli na baka may previous commitment kaya hindi ito nakapunta upang suportahan ang kanyang mi amor.

Congrats, Sarah, Direk Joyce Bernal at sa buong team ng “Miss Granny”!