Una sa Balita

Kim, Mike feeling honeymooners sa Japan, Thailand

By
0 3,080

Todo rampa si Kim Domingo sa Japan last week at in-enjoy talaga niya ang winter season doon, ha! Hindi pinalampas ni Kim ang pag-experience ng snow at kinarir ang skiing.

Bagay na bagay rin sa kanya ang red kimono na inirampa niya sa kalsada ng Shibuya at lutang ang porselana niyang kutis!

Balita namin ay hindi lang ito ang magiging destination niya dahil nakaabang ang iba pang Asian countries sa kanyang itinerary. Vacation galore ngayon ang Kapuso actress na mukhang tinatakasan ang init ng Pilipinas, ha?

Pero teka, mainit din sa Thailand ngayon, ha! Nandun nga si Kim ngayon kasama ang boyfriend niyang si Mike Acuna.

Naku, huwag naman sanang mabuntis si Kim, dahil sayang ang career ‘pag nagkataon. Ang dami pa namang project na ibibigay sa kanya ang GMA, ha!

Bianca, Kyline nakakabaliw ang pasabog

Bukod sa weekend pasabog ni Bianca Umali sa Sorsogon, heto at meron ulit siyang pa-swimsuit at sa primetime pa! Dalagang-dalaga na talaga si Bianca dahil first time rin niyang magsuot ng swimsuit sa TV para sa eksena nila ni Kyline Alcantara sa Kambal, Karibal.

Kung bakit siya naka-swimsuit dito at kung anong magaganap sa pagitan nila ay dapat abangan dahil balita kong ikakabaliw ng televiewers ang eksenang ito. May malaking pasabog ang Kambal, Karibal sa mga darating nitong episodes kaya kapit lang!

Barbie, Derrick gusto nang tumira sa Cebu

Talaga namang nag-enjoy nang husto ang buong cast ng upcoming primetime serye ng Kapuso Network na Inday Will Always Love You sa Cebu. Makikita ang ebidensiya sa napakara­ming behind-the-scene pictures nila habang nagte-taping. Kanya-kanya sila ng kuha sa magagandang tanawin kapag hindi nakasalang sa kamera. Excited na nga raw silang maipakita sa viewers ang kanilang show.

Aba, parang ayaw na ngang bumalik sa Maynila nina Barbie, Derrick at Juancho, dahil nagustuhan nila nang husto ang experience nila sa Queen City of the South!

Willie pinarangalan sa Marawi Tribute

Bukod sa kasiyahang hatid ng Wowowin, nakapagbibigay din ito ng tulong sa mga kapwa nating Pilipino na nangangailangan kaya naman kinilala ang kanilang episode na The Marawi Tribute, Puso Para Sa Bayan bilang Best TV Special ng Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Awards at si Willie Revillame bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon.

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng Wowowin ng saya at pag-asa sa mga kapwa nating Pilipino kaya patuloy din ang blessings na natatanggap ng show.