Una sa Balita

KIM AT MEG, ‘DIBDIBAN’ ANG LABAN!

By
0 6

meg-imperial-kim-domimgoNatatawa na lang si Meg Imperial dahil sa nabuong intriga sa kanila ng co-star niya sa dramedy series ng GMA-7 na D’Originals na si Kim Domingo.

Nagulat na lang daw sina Meg at Kim dahil big­lang may lumabas na balitang hindi raw sila nagkakamabutihang dalawa sa set.

“Okay kami, wala kaming problema. Natatawa na lang kami sa mga chismis. One time, may ipinakita pa si Kim sa aking issue, and sabi niya, ‘Look! Ang funny. Talaga naman ang showbiz.’

“Sa totoo lang, okay ang working relationship namin. Sa mga eksena, napaka-professional and we talk about it, kung paano mapapabuti.

“Walang insecurity sa trabaho or anything. Talagang may friendship na nabuo sa cast,” sabi pa ni Meg na gumaganap na other woman ng boyfriend ni Kim sa D’Originals na si Archie Alemania.

Sa pagpapakita naman ng alindog nila ni Kim, heto lang ang masasabi ni Meg:

“Oh my God! Madaming dibdiban! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay tawa niya.

“Marami ang matutuwa sa eksena namin. It’s sexy and funny. Mapag-uusapan siya!”