Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim madedemanda ‘pag kinasal kay Xian’

0 40

May isyu pala na kasal na ang magdyowang Kim Chiu, Xian Lim. Posible ba na ang dahilan ay ‘yung last vlog ni Kim kunsaan, sa bahay siya ni Xian nanggaling at umuwi nang mag-motor sila?

Pinag-usapan nga ito nina Ogie Diaz at John “Sweet” Lapus na naging guest niya sa vlog niya na “Ogie Diaz Showbiz Update.”

May update naman agad na sagot sa isyu si Sweet. Tinanong na raw niya agad ang Star Magic kung totoo ba na kasal o ikakasal na sina Kim at Xian. Sabi ni Sweet, “Malabo raw na ikasal pa si Xian at saka si Kim dahil may mga contracts pa sila.

“Especially on the side of Kim dahil may contract na may clause, lalo na ‘yung mga beauty products.

“Hindi totoo ‘yan, sabi ng Star Magic.”

Jennylyn ‘nakatali’ na kay Dennis

Ang isa pa raw na naiintriga na kasal na, sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Na tingin namin, malaking factor sa isyu ang recent contract signing nila sa binubuong bagong negosyo o kumpanya na tinawag nga ni Jennlyn sa kanyang caption sa Instagram na “family business.”

Tinanong din daw ni Sweet ang manager mismo ni Dennis na si Popoy Caritativo kung totoo ba na kasal na ang dalawa o ikakasal na.

Pero maging si Popoy raw, tila clueless kung ano na ang totoong status ng alaga niya at ni Jennylyn.

“Hindi ko alam, tinatanong ko rin,” ang sagot daw ni Popoy kay Sweet.

As we all know, nasa Italy pa ngayon si Dennis dahil sa paglahok sa Venice Film Festival ng pelikula nilang ‘On The Job: The Missing 8.’

Hirit naman ni Sweet na very vocal noon pa man na ang pinaka-crush niya sa lahat ng actor ay si Dennis, malulungkot daw siya kung kasal na ‘to dahil crush nga niya at feeling niya, “una siyang naging akin.”

Sa isang banda, magpapaalam at magsasabi naman daw siguro si Dennis sa manager niya kung talagang kasal na nga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.