Una sa Balita

Kim Jong-un inikot ang China patungong Singapore

0 3,433

SA sobrang pagkapra­ning na may magpapabagsak sa eroplano, inikot ni North Korean leader Kim Jong-un ang airspace ng China para lamang makarating sa bansang Singapor­e kung saan gagawin ang pag-uusap nila ni US President D­onald Trump.

Sa datos ng Swedish website Flightradar24, imbes na tumbukin ang diretsong ruta sa South China Sea, tinahak ng Boeing 747 ng Air China ang lalawigan ng Hebei, Henan, Hubei at Hunan sa China

Pagsapit ng coastal region ng Guangxi, tumawid ang eroplanong sinakyan ni Kim sa island province ng Hainan hanggang sa makarating sa Singapore.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na hindi rin pinadikit sa eroplano ang ibang commercial plane sa airspace ng China.

Sa ulat ng South China Morning Post, dumating si Kim sa Changi Airport ng Singapore dakong alas-2:40 nang hapon.

Agad na tumungo ang convoy nito sa St. Regis Hotel sa Orchard Road, kung saan manunuluyan si Kim at ang kanyang delegasyon.