Una sa Balita

Kim Jones super bait sa anak ni Jericho

0 461

abante-anything-goes-jun-lalinLast weekend, dumalaw ako at ang ilang friends sa KaiSaint restaurant ng mag-inang Kai Palomares at Santino Rosales. Si Santino ay anak ni Jericho Rosales.

Located ang restaurant ng mag-ina sa West Service Road ng SLEX at after ‘yon ng Mervilles at bago mag-Bicutan.

In fairness, ang sasarap ng mga pagkain na isine-serve nila at kadalasan at nagse-serve sa lugar na ‘yon sina Kai at Santino. Kuha nga pala sa pa­ngalan ng mag-ina ang pangalan ng restaurant.

‘Yung Saint daw ay tawag saw ni Jericho sa anak.

Ilang beses na ring nakapunta si Jericho sa KaiSaint at kasama pa nga ang misis niyang si Kim Jones at gustung-gusto raw ng mag-asawa ang mga pagkain doon.

Yes, super ok ang relasyon ng mag-ina sa mag-asawang Jericho at Kim.

“Ok kaming apat. Sobrang close. Sob­rang thankful ako kay Kim dahil super nice siya kay Santino.

“‘Yung iba, weird sa kanila ‘yung ganitong samahan namin, but for us, normal ito. Masaya kami. We’re one big happy family,” sabi ni Kai.

Sa ngayon, nasa college na si Santino at nag-aaral siya sa De La Salle University at nasa football team din, pero Team B pa lang daw.

Pero may isang football league na kasali si Santino, kaya excited daw siya.

Hindi ba siya mag-aartista since nagmo-model at may endorsements na rin naman siya? Ang sagot ni Santino ay a big NO!

Magko-concentrate raw muna siya sa kanyang studies, sa football, sa restaurant business nila at sa paminsan-minsan na pagmo-model.

Actually, wala nga raw siyang girlfriend ngayon dahil kahihiwalay pa lang niya sa dati niyang karelasyon. Hindi rin daw nagmamadali si Santino na mag-girlfriend uli.

Anyway, bukas ng 2:00PM, mapapanood ang exclusive interview ko sa mag-inang Kai at Santino sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Onlines.

Jeron, Jeanine humanga sa ganda, linis ng Boracay

Napansin mo ba, Dondon, last weekend pa lang ay lumuwag na ang traffic.

Marami kasi ang nagbakasyon na bago pa man ang Holy Week.

Ang PBA Alaska player na si Jeron Teng, last week pa lang ay nag-Boracay na kasama ang girlfriend niyang si Jeanine Tsoi.

Aalis kasi si Jeanine ngayong Holy Week kasama ang kanyang pamilya, kaya sinamantala na rin ni Jeron na wala silang basketball practice at game, kaya nag-Boracay na raw sila.

Humanga ang mag-sweethearts sa kaayusan ngayon sa Boracay. Nakakabilib din daw ang kalinisan.

Noong Sunday, bumalik na rin sila ng Manila at sa bahay lang daw siya the whole week at this weekend ay nagbabalak lang sila ng kuya niyang si Jeric Teng at ng kanyang pamilya na mag-Tagaytay, pero mamamas­yal lang daw sandali at hindi naman sila mag-overnight doon.

Ruffa handa na sa komprontasyon kina Kim, Erich

As you read this, pabalik na rin ng bansa ang mag-iinang Ruffa Gutierrez at Lorin and Venice. Nag-enjoy raw sila sa Thailand vacation nila at sa bahay lang daw sila ngayong Holy Week.

“Time to reflect,” sabi ni Ruffa.

Malamang ay mag-fasting din daw si Ruffa.

Siyempre, pinaghahandaan din ni Ruffa ang “Love Thy Woman” teleserye ng ABS-CBN.

Sabi ni Ruffa, very nice sa kanya sina Kim Chui, Xian Lim, Erich Gonzales at ang iba pang makakasama niya sa teleserye na ‘yon, kaya excited na raw siyang mag-taping.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy