Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim, Jerald tandem masakit sa tiyan

0 26

Makabago, o lumang KathNiel ang deskripsiyon kina Kim Molina at Jerald Napoles.

Ang lakas nga kasi ng chemistry nila on screen, at tulad ng KathNiel, magdyowa rin sila sa tunay na buhay.

Anyway, napanood ko nga ang pelikulag ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ at oo, ang lakas ng chemistry nila, na memoryado talaga nila ang kilos, pananalita ng isa’t isa, kesehodang may mga karakter silang dapat gampanan.

Si Jerald nga ang boylet na ngongo, at si Kim ang babaeng walang pakiramdam. Maraming eksena ang dalawa na matatawa ka, dahil sa kakulitan ni Jerald, na hindi nga maintindihan ni Kim.

SM food to go Banner Ad

Alam ko, may mga magri-react at magsasabi na hindi dapat gawing katawa-tawa ang mga ngongo, pero hindi naman talaga maiwasan na matatawa ka sa mga eksena ni Jerald bilang ngongo.

Mas maganda siguro na panoorin na lang ang pelikula na dinirek ni Darryl Yap, at prodyus ng Viva Films, at mapapanood nga sa Vivamax, dahil mas mauunawaan niyo at mararamdaman niyo ang kahalagahan ng isang tao, may kakulangan man siya, o wala.

Pero again, ang masasabi ko lang, maraming eksena sina KimJerald na sasakit ang tiyan niyo sa katatawa. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.