Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim itinanggi ang kasal kay Xian

0 113

Kaaliw ang bagong vlog ni Kim Chiu na ‘Answering Most Googled Questions About Me’ na sinagot nga niya ang mga tanong.

Muntik nga siyang maiyak sa tanong na, ‘How is Kim Chiu?’

“Okey naman ako. Ang sweet ng mga tao, kinakamusta nila ako kay Google. Naiyak ako. Ang sweet nila.

“The sweetest. Pero, I’m fine po. Okey naman me. Siguro, kaya most searched ito ay dahil sa nangyari sa akin last year. I’m okey, after 1 year, alive and alive and kicking ako,” sabi ni Kim.

Sa chikahan na `yon, iginiit din ni Kim na plano pa rin niyang tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo.

“Business Management ang course ko sa UP Open University. Magkaklase lang ako sa online, pag may recitation nagbi-video cam lang kami ng professor ko noon. Hindi lang ako nagtagal kasi ang daming project, tapos nagteteleserye at ASAP pa ako.

“Babalik ako sa pag-aaral, magkaroon ng college degree. Itutuloy ko `yon. Yes, nakapasa ako ng UP. I think, brainy naman ako. Hahahaha!” say pa ni Kim.

SM food to go Banner Ad

Pero, naloka si Kim sa tanong kung mag-asawa na ba, o kasal na ba sila ni Xian Lim. May mga tsismis nga kasi na nagsasama na sila sa isang bubong, dahil madalas nga silang magkasama.

“Mukha lang because we love each other. But we are not yet married. Wala pa kami sa ganun. We are in a relationship! Pero wala pa.

Not yet!” sabi ni Kim.

Pero, sila pa rin ba ni Xian?

“Oo naman. Bakit naman hindi. Yes we are still together. And we are happy, obviously!” sabi ni Kim.

May tanong din na ‘Sino ang husband ni Kim?’

“Wala. Boyfriend only!” sabi lang niya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.