Una sa Balita

Kim ipaparehas ang time zone ng NoKor sa South Korea

By
0 978

UPANG maipakita ang sinseridad nang pakikiisa at pakiki­pag-ayos, sinabi ni North Korean Leader Kim Jong-un na nakahanda niyang i-adjust ng 30 minuto pasulong o ‘forward’ ang oras nila o time zone para maging kaparehas ng oras ng South Korea.

Ang North at South Korea ay may magkaibang oras simula pa noong 2015 nang biglang baguhin ng North ang kanilang standard time na huli ng 30 minuto sa South Korea.

Ginawang rason ng Pyongyang ang ‘nationalistic rationale’ sa paliwanag na ibinalik nila ang time zone ng North bago ang Japan’s 1910-45 colonial rule sa Peninsula upang markahan ang 70th anniversary nang kanilang paglaya sa Tokyo.

Abante Hiring – IT dep

Nangako si Kim na babaguhin niya ang time zone sa makasaysayang pakikipag-usap kay SoKor President Moon Jae-in.

Ang dalawang lider­ ay nagdaos ng summit sa border at nangakong itataguyod ang denuclearization at permanent peace sa kanilang lugar.

Ikinalungkot ni Kim nang makita sa summit ang dalawang orasan na may magkaibang oras.

“Since we were the ones who made the change from the standard time, we will go back to the original time. You can announce it publicly,” ani Kim.