Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim inuna ayuda sa mahihirap, kesa b-day party

0 162

Walang duda na matulungin talaga si Kim Chiu, na laging nakasaklolo sa mga biktima ng mga kalamidad, o mga nakaranas ng kamalasan sa buhay.

Kalat ngayon sa iba’t ibang fan group ang video ni Kim na nagpapakita ng mga ‘charity’ na ginagawa niya.

May video si Kim kung saan pinapakita ng aktres ang mga nakapakete na mga grocery item, at ilang staff na nagbabalot pa ng mga pagkain.

“We’re almost done, konti na lang,” sabi pa ni Kim.

‘Yun nga raw ang dahilan kung bakit wala sa ‘It’s Showtime’ si Kim.

“Kaya pala wala siya bukas sa Showtime may pa-charity siya. Kaya blessed si Kim marunong kasing mag-share, always have a grateful heart,” sabi ng netizen.

April 19 ang birthday ni Kim, at pinapalagay ng kanyang mga fan na magdu-donate ang aktres sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte, at sa iba pang bahagi ng bansa.

“Yes, absent muna bukas,” sabi ni Kim.

Samantala, mas lalong naging “hot” si Kim sa kanyang two-piece bikini sa dagat ng Thailand na masisilip sa kanyang Instagram.

Kahit dalawang beses na itong isinuot ng actress-singer, hindi nagbabago ang kaseksihan nito at mas lalo pang uminit ang kanyang alindog sa pinakabagong sexy post.

Yassi naki-collab sa mga Singaporean

Going international na talaga si Yassi Pressman sa bagong collaboration niya sa isang abroad based-company. Nasa Instagram ni Yassi ang mga larawan nang pagbisita niya sa Singapore kamakailan.

Hindi lang bakasyon ang rason ng pagpunta ni Yassi sa nasabing bansa, kundi business meeting na rin sa grupo ng mga creator ng isang social media gaming, na Ethlas Metaverse.

Sa video post nito sa isang mamahaling resto, isa-isang pinakita ni Yassi ang creator ng nasabing online gaming, na siyang nag-treat sa kanya ng dinner.

“My @Ethlas.Metaverse treated us to an amazing dinner in Singapore as we talked about the success of NFT launch and the future of Ethlas!

“Announcement! You can now film your tiktok videos & earn Ethlas gems per view! OMG!!! On Tiktok! #Ethlas #defi #game #KomoLove,” sabi ni Yassi.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging partisipasyon ni Yassi sa negosyong ito, pero ang bongga lang ng aktres dahil ang ka-deal niya ay mga international businessman na.

BBM atras sa away kay Catriona

Nilantad na nga ni Catriona Gray kung sino ang susuportahan niyang kandidato bilang pangulo sa May 2022.

At kagulat-gulat na tila umatras ang dila ng mga BBM kay Catriona.

Mababasa kasi sa mga comment ng post ni Catriona sa Facebook na nirerespeto ng mga supporter ni Marcos, Jr. ang naging statement, vlog ni Catriona. Bagamat pinamukha pa rin ng mga ito na ang pambato nila ang makapagbibigay ng pinapangarap nilang buhay.

Humingi pa ng paumanhin ang maraming netizen dahil solid daw ang suporta nila sa kalaban ng kandidato ni Catriona.

Sabi ng mga supporter ni Marcos, ang paraan daw ng paglalahad ni Catriona kung bakit siya pinklawan ang rason kung bakit respetado nila ito. Malumanay, walang galit, at pagpupumilit na suportahan din ang kanyang kandidato.

Ramdam daw nila na nirerespeto rin ni Catriona ang choice nila.

“We respect your choice!” chika pa ng maraming netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.