Una sa Balita

Kim inireklamo ng sikat na Fashion Designer

0 6,526

Nag-air ng kanyang disappointment ang fashion designer na si John Herrera sa mga organizer ng nakaraang FAMAS Awards. Nilapitan daw kasi si Herrera ng mga organizer ng FAMAS para siya ang gumawa ng damit ng kinuha nilang mga host na sina Kim Chiu, Robi Domingo at Piolo Pascual.

Wala raw itong naging problema kina Robi at Piolo. Kay Kim pa raw siya nagkaroon ng malaking problema.

Noong araw daw ng fitting ni Kim ay hindi raw pinapasok ang mga tauhan ni Herrera sa subdivision na nakatira ang aktres. Sinabihan na lang sila ng guard na iwan ang gown at sila na ang magdadala sa bahay ng aktres.

Pero hindi pinaiwan ni Herrera ang gown dahil nakatanggap siya ng mensahe mula sa FAMAS Executive Producer na si Donna Sanchez na sinabi raw ng stylist ni Kim na si Patty Yap na isusuot daw ni Kim ang gown kapag gusto niya ito.

Pakiramdam ni Herrera ay nasayang ang effort niya na gawan ng original gown si Kim dahil may ibang pinagpipilian pala ito. Kaya nag-back out na si Herrera at ibebenta na lang daw niya ang gown.

Isa sa mga sikat na Pinoy designer si John Herrera na nagawan na ng gown ang mga international celebrity tulad nila Lady Gaga at Paris Hilton. Nadamitan din niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa mga local celebrity, nakatrabaho na ni Herrera sina Regine Velasquez-Alcasid, Anne Curtis, Marian Rivera, Ruffa Gutierrez, Nadine Lustre, Toni Gonzaga and Angel Locsin.

Nagpaabot naman ng statement si Patty Yap sa media tungkol sa miscommunication between Herrera and the FAMAS organizers. Wala raw alam dito si Kim.

“Hello! I just would like to clarify the John Herrera issue.

“First of all, as mentioned, I did not commission him for this project.

“I believe he had arrangements with FAMAS about providing gowns and suits for the FAMAS hosts.

“Secondly, it was absolutely okay with Kim to wear his creation, but it was John who backed out, as mentioned on his last message.

“Lastly, I believe the miscommunication was with FAMAS and not with Kim’s camp as he was coordinating everything with them, including the fitting schedule, as mentioned by him and the FAMAS representative.

“Kim is totally unaware of this; all she knows is there’s a gown from John.

“As Kim’s stylist for three years now, I can wholeheartedly say that never once did Kim exhibit any negative attitude as to what to wear or not during an event.

“I understand John’s dismay, and we have so much respect for him, but I hope this clarifies the matter. Thank you.”

Ang sinuot ni Kim sa FAMAS ay ang ­creation ni Benj Leguiab. (Ruel Mendoza)