Una sa Balita

Kim hindi kumportable sa sex

By
0 1,867

 

Pagdating sa usapin ng sex, halatang hindi pa talaga kumpor­table si Kim Chiu.

Katulad nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol dito, halatang nahihiya siyang sumagot na hindi naman nila ito napag-uusapan ni Xian Lim.

Yes, kasunod ito tungkol sa pag-amin ng Kapamilya actress na officially ay silang dalawa nga ng Viva actor although hindi naman nila sinabi kung ilang taon na silang magdyowa.

Kahit public knowledge naman na they are a couple, pero ngayon lang talaga nagkaroon ng pag-aamin and we hope, maging si Xian ay ipagmalaki ang relasyon nilang dalawa.

At least nga, nagkaroon na ng lakas ng loob si Kim na aminin na sila nga dahil ang tagal-tagal nang naghihintay ng kanilang mga tagaha­nga at netizens na ga­ling mismo sa bibig nila ang announcement.

Yet for now, sinabi niya na hindi pa sila gaanong nagkikita ng kanyang dyowa dahil naging abala nga raw siya sa kanyang stint sa ASAP Australia at pagbalik naman niya, nasa Japan naman si Xi para sa shooting ng kanyang pelikulang ginagawa.

Bukod nga raw sa mga mata nito, ang jawline nito ang isa sa favorite part ng physical aspect ni Xi ang talagang outstanding para sa kanya.

Korekek!

 

Kyline ayaw umasa ng trophy sa Asian Academy Awards

For the 5th time sa taong ito ay nakatanggap ng award ang La Nueva Kontrabida para sa kanyang role sa “Kambal, Karibal” bilang Favorite Kon­trabida.

Mula nang magsimula ang online botohan, sa pagkakaalam namin ay hindi na natinag si Ky sa pagiging number one nito sa category na ito, kaya, hindi na kami na-surprise nang sa kanya igawad ang award.

As always, very thankful siya sa kanyang sunflowers na walang pagbabago ang suportang ibinibigay sa kanya at nadadagdagan pa ito.

Excited na nga ang Kapuso young actress sa paglipad niya sa Singapore para naman sa Asian Academy Awards na gaganapin ngayong December kung saan kalaban niya ang ilang Asian actresses para sa category na Best Actress In A Supporting Role.

Win or lose, inayos na ang expired passport niya para lamang personal siyang makadalo dito kaya naka-block off na sa kanyang busy na sked ang ilang araw papuntang Singapore.

Hindi siya pinayagang mag-extend ng stay dahil meron nga siyang “Inagaw Na Bituin” with Therese Malvar, “Studio 7” at “Sunday Pinasaya.”

Kahit naman ito isang bakasyon grande para sa kanya, still, gagawa raw si Ky at ang entourage niya na makapunta sa ilang parte ng SG dahil first time niyang makapag-abroad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy