Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim hagulgol sa surpresa nina Vice, Vhong

0 161

Surprise birthday party pala para kay Kim Chiu ang naganap sa club house ng La Vista kunsaan siya nakatira.

Pero buong araw halos, overwhelmed na si Kim sa mga natatanggap na surprises for her 32nd birthday.

Sey ni Kim, “Indeed one of the most memorable birthdays I ever had. Punong-puno yung puso ko simula umaga hanggang gabi, surrounded by people who are dear to me. My family is complete after 8 long years, did a birthday charity in 3 different places, seeing those happy smiles made my heart melt. Iba yung experience sobra. Got messages on my socmed accts and personal messages.

“May pa birthday greeting sa MOA globe ang Kim Chiu Global family. Grabe salamat. Got a personal VP Leni greetings, gulat ako na naiyak.

“Got cakes, flowers and food pag-uwi ko sa bahay and of course to end the day nagulat ako sa pa-surprise!!!! Wala akong ka idea pero grabe!!! Didn’t expect na may pa ganun, akala ko may babayarin kami monthly dues sa clubhouse. Pero naisip ko, bakit gabi, ang sabi ng ate ko, pinakiusapan lang daw kasi last week pa overdue. Magdadagdag na raw kami ng bayad kapag sumobra. Kaya pumunta na ako bago kami tumuloy sa dinner. ‘Di ko alam, do’n na pala yung dinner.

“Ang daming pumunta, nagulat talaga ako. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng dumalo and for your time on my special day. Salamat sa lahat. Salamat sobra sa araw na ito na ‘di ko malilimutan. It was indeed a happy birthday to me.”

Makikita nga si Kim na umiiyak nang makita niya ang mga kasamahan niya sa Showtime.

LJ nag-emote kay Aki

Napa-emo (emote) bigla si LJ Reyes sa kanyang Instagram post dahil bigla raw niyang na-realized na binata na ang kanyang first born na si Aki.

Si Aki na masasabing busog ngayon sa pagmamahal at atensiyon ng mga magulang niya dahil kahit nasa New York, nagkaroon sila ng chance ng Papa niya na si Paulo Avelino na magkasama at mag-bonding.

Si LJ naman has always been there or mas tamang sabihin, they’re always been there with each other. Maituturing din na witness talaga si Aki sa mga naging kaganapan sa buhay ng ina.

Kaya sey ni LJ, tanda raw niya ang mga pagkakataon na si Aki ang nagpapalakas sa kanya.

“Just an appreciation post. I think I was quite young when I had you, but still the generational gap exists! Can’t deny that! Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak. There will be days when I wouldn’t understand you right away and vice versa. Di ko na gets music nyo at nacocornyhan ka sa music namin noon! Ang kulit ko parang naka-repeat araw-araw sa responsibilities mo, pero makulit ka rin naman sa kakaulit ng game time and currencies mo! So quits lang tayo.

“But you will be my baby boy! I pray that someday, you will understand why I want you to put God first above all else. Let Jesus be your guide.

“I still remember all the moments you made mommy very strong and I keep that in my heart.”

Carla kumasa sa hamon

May ilang humahamon sa mga Kapuso stars na sana raw, ‘wag manatiling tahimik lang sa usapin ngayon ng nalalapit na election.

Ini-urge ang mga ito na katulad ng ibang mga artista ay tumindig din at magkaroon ng stand dahil bilang Filipino, apektado rin ang mga ito sa kakahitnan ng election.

At mukhang isa nga sa Kapuso actress na si Carla Abellana ang tumindig at naging vocal na sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung sino ang iboboto niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.