Una sa Balita

Kim feeling sexy star sa Balesin

0 1,450

abante-i-know-better-jun-nardoSumaludo si Roselle Monteverde kay Kim Chiu nang makasama niya ang aktres sa Balesin Island last weekend.

Ayon sa post ni Roselle sa Instagram sa isang foto ni Kim, wala siyang nakitang kapaguran kay Chinita Princess mula nang magkita sa hangar hanggang sa makarating sila sa Balesin.

“From 6am met up at the hangar to sunset at #Balesin, she never got tired, very down to earth and easy to get along. This is the company I like! #awesome #goodcompanygoodtimes,” caption ni Roselle.

Kasamang bumiyahe nina Roselle at Kim si Eric Quizon, ang director ng filmfest movie ni Kim na One Great Love, Leah Calmerin, producer ng movie at Kam Chiu, sister ni Kim.

Sa IG naman ni Kim, may pasilip din siya ng kaseksihan sa picture niyang naka-one piece swimsuit. Tugon niya sa komento ni Teacher Georcelle na, “Ayan na!!!”, “Minsan lang yan!!! Wahahaha!”

Hot na hot kasi ang dating ni Chinita Princess sa picture niyang ‘yon, huh! “Perfect body! Flawless!” komento ng followers niya.

Kunsabagay, kitang-kita naman ang makinis na legs ni Kim, ha! Hindi man malaki ang boobs niya, pero sapat na ang kinis, at ganda ng kurba ng katawan niya para matakam sa kanya ang mga boylets.

Feeling sexy star nga si Kim sa Balesin, na pinagpapantasyahan, ha!

 

Mga fan umaasa pa rin kina Alden, Maine

Hot copy muli sina Maine Mendoza at Arjo Atayde nang kumalat sa social media na nakita silang magkasama sa Bali, Indonesia pero wala pang pahayag ang dalawa kaugnay nito. Wala pa rin naman kasi silang pictures na magkasama, although may mga video grabbed na pinalalabas na sila raw ‘yon.

Aba, not just once, twice but thrice na silang nakikita na magkasama sa labas, huh! Kaya naman lumakas ang ugong na nagkakamabutihan na silang dalawa!

Pero ayaw patinag ng AlDub Nation sa mga balitang ito. Matatag pa rin ang fandom nila at naniniwalang sa tamang panahon eh, matutugunan din ang mga dasal nila.

Naku, ibalato na ninyo ang personal na buhay nina Meng at Alden. Hindi naman puwedeng nakakulong na lang sila sa hawla nang habang buhay, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy