Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim Domingo nagpuyat, pumila para kay Cha Eun Woo

0 226

Grabe na rin talaga ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga Korean, di ba?

Imagine, pati mga sikat na artista, nagtitiis sa pila, makakuha, makabili lang ng tiket para sa kanila.

Tulad nga ni Kim Domingo, na kahit kagagaling lang sa shooting, walang tulog, dumiretso sa Cubao, Quezon City, para lang makabili ng tiket sa fan meet ni Cha Eun Woo.

Para sa mga hindi pamilyar sa mga Korean, si Cha Eun Woo ay South Korean singer, actor, model, at member ng South Korean boy band na Astro. Ayon ‘yan sa Wikipedia.

Anyway, darating daw ulit si Cha Eun Woo sa Manila ngayong August for a fan meet. The event organizer, DNM Entertainment, announced the fan meet, na tinawag na “Cha Eun Woo: 2022 Just One 10 Minute” at magaganap `yon sa August 6, 2022 at the Smart Araneta Coliseum.

Kaya naman ngayong July 2, kung saan in-open na nga ang bentahan ng tiket, sangkatutak na Pinoy fan ang pumila para bumili. Madaling araw pa lang ay nakapila na sila para maka-secure ng inaasam na tiket.

At isa nga sa pumila ay si Kim, na pinost pa sa Instagram niya ang pakikihalubilo sa mga kapwa niya fan.

Marami nga ang pumuri sa kanya, na si Kim nga raw ang totoong fan, na kahit puyat, pumila para sa kanyang idolo.

Wish ko lang, sana sa mga Pinoy star, pumipila rin ang mga Pinoy fan, kapag may event, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.