KIM DOMINGO, MAS MAGANDA PA SA MGA KABIT! 

By

Kim Domingo

Hindi nagpapatalbog ang Kapuso actress na si Kim Domingo sa mga eksena niya sa D’ Originals. Pinatitikim niya ng bangis ang mga pinaghihinalaan niyang kabit ng asawa, na ginagampanan ni Archie Alemania.

Malditang may ipinaglalaban ang peg ni Kim, kaya effective siya sa mga manonood. First lead role ito ng bagong pantasya ng bayan, kaya inaabangan talaga ang performance niya.

Ayon sa isa niyang fan, di hamak naman daw na mas maganda ito sa mga kabit na nang-aagaw ng mga asawa nila. Nakakaaliw dahil invested na talaga ang mga manonood sa panghuhuli ng mga karakter nina LJ Reyes, Kim Domingo, at Jaclyn Jose sa mga other women ng kanilang asawa!


SHARE