Una sa Balita

KIM DOMINGO, BASTUSIN!

By ,
0 16
KIM DOMINGO
Kim Domingo

Nasa mood ngayon si Kim Domingo na mag-post ng mga sexy photos niya. Parang ayaw nga niyang pakabog kay Ellen Adarna, na maya’t maya rin ay tila hubad sa kanyang Instagram account.

At si Kim nga, tulad ni Ellen, wala ring pakialam. Heto nga ang post niya:

“@therealkimdomingo: Hindi na ko nagtataka or nakakaramdam ng galit at inis kung may nambabastos or nangba-bash sa akin. Para sakin, kahit gaano mo pa gawing perpekto ang sarili mo, kahit balot na balot ka pa, kahit ikaw pa ang pinakamabait at pinakamahinhin na babae sa mundong ito, hindi pa rin mawawala ang ‘bashers/haters’ dahil hindi lahat ng tao mapi-please natin.

“Gusto kong malaman niyong lahat na masaya ang buhay ko at punong-puno ng blessings at hindi ‘yun matutumbasan kahit milyon-milyon pa kayong manghusga at mang-bash sakin.

“Pinakahuli, para sa mga katulad ko na maraming haters, always remember to be yourself and don’t let them affect you darling!” sey ni Kim.

KIM D., MALUTONG ANG SAMPAL KAY
PAOLO CONTIS!

Paolo Contis

Kinahuhumalingan ngayon ng mga loyal kaBabol viewers ang panalong comedy sketch na napanood sa Bubble Gang recently na pinamagatang ‘Maling Translation’.

Ayon sa mga ­netizens, maiiyak ka sa kakatawa ‘pag ­napanood ang ­viral ­video ngayon ­online ng pananampal ni Kim Domingo kay Paolo Contis kung saan napakalutong nito. Hindi rin magkamayaw ang kanilang followers sa pag-she-share nito na ­ngayon ay may mahigit na 171,000 views as of this writing.

Nakakatawa ­talaga at hindi matatawaran ang husay at galing ng ­Bubble Gang sa ­paggawa ng mga ganitong klaseng spoofs.