Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim dinedma ni Xian dahil sa TikTok

0 52

Lakas talaga maka-good vibes nina Kim Chiu at Xian Lim. Kahit sa mga simpleng chat message o comment nila sa isa’t isa, maaliw ka talaga.

Nag-post nga si Xian sa Instagram ng kanyang TikTok content tungkol sa mga basketbolista.

“Ngayon naman ay tuturuan ko kayo kung paano mag-basketball. Una, dapat naka-triple term position ka. Pangalawa ‘pag naiwanan niyo na ‘yung nagbabantay sa iyo, huwag niyo nang babalikan pa. ibig sabihin, hindi kayo para sa isa’t isa,” sabi ni Xian karugtong ang isang makabagbag damdamin na sinabayan niya ng kunyaring pag-iyak habang nagwu-walling acting.

At sa caption naman ni Xian ay mababasa ang mga linyang…

“Ang pag-ibig parang basketball. Minsan pinaglalaruan ka lang na parang bola at kadalasan, kahit nasa iyo na siya ay pilit pa rin siyang aagawin ng iba. Awts!”

At siyempre, nagkomento agad ang dyowa niyang si Kim.

“Ahahahahahaha ang aga ha! Kaya pala ‘di ka sumasagot eto pala ginagawa mo! Tiktoker!” sabi ni Kim na tila inaasar si Xian.

Well, bongga talaga, di ba? Kaaliw sila! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.