Una sa Balita

Kim ‘di type kasama ni Yam

0 396

Fierce in black na dumating sa studio ng “TWBA” ang “Nightshift” lead star na si Yam Concepcion para sa hot seat with Tito Boy. Nagsagawa ng ilang katanungan tungkol kay Yam ang “TWBA” team upang i-survey sa mga netizen.

Unang tinanong ay kung malakas ba uminom ang aktres kahit nasa set ng taping o shooting. Ayon sa lumabas na resulta ng survey, 30% legit (totoo), 70% lie (hindi totoo) ang statement na ‘yon. Kinumpirma naman ni Yam na hindi siya palainom na tao.

“Hindi ako umiinom ‘pag nagtatrabaho, ‘di naman ako alcoholic!” giit ni Yam.

Ikinuwento rin ni Yam na dati siyang school art teacher for 3 months bago pumasok sa industriya ng showbiz.

Itinanggi naman ni Yam ang statement na nagsasabing hindi niya kasundo ang mga kasama niyang cast sa “Love Thy Woman” na sina Kim Chiu, MJ Cayabyab, at Mikee Agustin. Sa katunayan nga raw ay may bonding pa sila kahit sa labas ng shooting at may constant communication sila.

Nang tanungin naman kung totoo bang engaged na siya sa kanyang long-time boyfriend, ang sagot niya: “‘Pag naging legit ‘yan, I will visit you here again at ‘TWBA’ and I will bring you a box of champagne.”

At ‘oo’ raw agad ang isasagot niya kung sakaling mag-propose nga ang kanyang dyowa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More