Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim ‘di tanggap ‘kabadingan’ ni Xian

0 430

Kahit para sa trabaho, hindi tanggap ni Kim Chiu na maging babae o bakla ang dyowang si Xian Lim.

Base sa naging komento ni Kim sa video post ni Xian sa Instagram, na nagpapakita ng transformation mula sa pagiging lalake ay naging babae.

Dahil sa itsura ng aktor na mukha pa ring lalake kahit naka-make up at bihis babae, hindi nga inaprubahan ni Kim ang makeover.

“Hala! Bakit naging maskulada ‘yung babae?! Hala ibalik mo si Xian!” sabi ni Kim.

May punto naman si Kim, na kahit maganda ang mukha ay hindi bagay kay Xian ang maging babae.

Pero naaliw rin naman si Kim sa itsura ng boyfriend. Kumpara sa ibang nag-portray ng gay o babae, masyadong malaki ang katawan ni Xian.

Xyril nakakaumay ang umaalog na boobey

Wala nang pakialam sa mga basher si Xyril Manabat, na inalog-alog pa ang kanyang mga pakwan sa social media. Palaban na rin ang former child star na hindi na nahihiyang ibalandra ang malaking dyoga.

Naumay ang mga follower ni Xyril sa nakahambalang niyang mga bundok sa Instagram. Mapapanood ang teen star na nagti-TikTok suot ang spaghetti strap. Tumalbog-talbog, umaalog-alog ang mga bola ni Xyril.

Pero, kahit solve na ang mga kalalakihan sa mga papaya ni Xyril, bigo ang mga ito na masilip ang mga pasas ng dalaga. Nag-nipple tape ang dalaga.

Wildest dream ni Nadine natupad

Maghubad man, tumalak man tungkol sa politika, si Nadine Lustre, hindi nabawasan ang appeal niya sa mga brand owner.

Si Nadine ang isa sa mga napiling brand ambassadress ng Nike para sa bagong shoe collection.

Makikita sa IG ni Nadine ang suot niyang sapatos na pinu-promote niya.

Wildest dreams daw ito ni Nadine na natupad.

Well, in fairness kay Nadine, hanggang pagpapasilip lang naman ng singit, pisngi ng hiyas ang ginagawa niya. Never naman siyang nasangkot sa away, droga, o iskandalo.

Morissette bumida sa Korea

Nadagdagan ang achievement ni Morissette Amon sa kanyang international singing career, nang malagay sa led billboard sa Korea ang kanyang video.

Sa mga Filipino na naka-base sa Seoul at mapapagawi sa Namdaemun district, makikita ang ad ni Morissette sa digital led billboard.

Mababasa ang subtitle na “Morissette Amon International Artist”, “The Best International Artist.”

Si Morissette ang featured artist sa “Idol Pick”, isang social media poll na hinahangaan sa iba’t ibang bansa.

“From Manila to New York to…Seoul!!!” sabi niya.

“What a surprise! Cheers to all my sweetines @solidmowienatics for voting for me on #IdolPick and gaining us a spot on the Namdaemun District Billboard!! Thank you guys, an gaga naman po ng pa-birthday,” saad pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.