Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim di nakasipot sa burol ng lola

0 816

Nagkasya na lang si Kim Chiu na silipin sa camera, o live feed ang kanyang lola sa burol nito. Hindi nakapunta si Kim sa lamay ng granny niya sa Cebu dahil sa COVID-19.

Lumuluha ang puso ng “Love Thy Woman” star sa isinulat nitong mensahe sa mga larawang kasama niya ang kanyang Lola sa Instagram.

“She slept peacefully, and little did she know she would wake up in heaven. Rest well in heave, ama! You don’t have to wait anymore sa sunrise ug sunset. I guess in heaven sun is always shining. I still remember pag kinakamusta kita you always say na “naghulat sa pagsaka sa adlaw ug nagpaabot na mu gabii. Para ugma napud.” You always taught us that tomorrow is another day. Thank you ama for taking care of us, unconditionally. First photo symbolizes the five of us @kamchiu @twinklechiu_ #williamchiujr #me @alfa1charlie. Played Yue Liang Dai Biao Wo De Xin coz I know that is one of your favorite songs and you always smile whenever I perform a Chinese song. I will miss you ama. Visiting Cebu will never be the same again.

“Felt hard to say goodbye. Felt even harder that this happened in this kind of situation. We were not able to fly there to whisper our last goodbye. Thank you cousins @tinachiu @ratchiu for the live videos since yesterday. Rest in Peace Ama. #85,” sabi ni Kim.

Jhong nagmakaawa ng bakuna

Dahil sa patuloy na paglaki ng datos ng mga infected ng coronavirus, nagmamakaawa na ng vaccine si Jhong Hilario. Pinoste ni Jhong ang titulo na “VACCINE” sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na nagdarasal na emoticon at salitang Lord.

Nitong Lunes (August 10) pumalo na sa 136,638 ang total cases ng Covid infected.

Katarina ‘Bukaka Queen’

Kung sa bukakaan lang naman ang labanan, hindi papatalo si Katarina Rodriguez. Puwede na ngang bansagang “Bukaka Queen” si Katarina sa pinoste nitong larawan sa Instagram na nakatayo sa buhangin at nakabukaka nang todo.

Pinu-promote ni Katarina sa post niya ang workout video sa YouTube.

Binibigyan ng 30 days challenge ni Katarina ang mga manonood para makuha ang pigura na meron siya.

Ang pagbukaka sa post ay para ipakita sa kanyang mga follower na ganitong hita ang makukuha nila sa work out program na ginagawa niya ngayon.

Luis, Bianca kinilig sa JoshLia

Nabuhay ang kilig sa pagitan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. At pati ang kanilang mga kapwa artista ay super kilig din sa eksena nila ngayon.

@iamsuperbianca: “Kayong dalawa haaaaaaa. Mahal ko kayong dalawa alam niyo yan at bilang ate ninyo nloloka ako sa Twitter exchange na ito.”

@luckymanzano: “Alam nyo kayong 2, mag Shakeys nalang kayo! Samahan ko pa kayo!”

Super react di sina Direk Antonette Jadaone at Jed Madela.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.