Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim ‘di nagpakabog sa ganda, kaseksihan kay Miss U PH

0 156

Nanghinayang ang mga netizen, lalo na ang mga fan ni Kim Chiu, sa pinoste nitong larawan sa Instagram, na kasama ang mga winner ng Miss Universe Philippines 2021.

Pumantay kasi ang ganda, pigura, height ni Kim sa sa limang beauty queen, na kinabibilangan nina Beatrice Luigi Gomez (Miss Universe-Philippines 2021), Katrina Dimaranan (Miss Universe-Tourism 2021) Maureen Wroblewitz (1st runner-up), Steffi Rose Aberasturi (2nd runner-up) at Victoria Velasquez Vincent (Miss Universe-Philippines Charity 2021).

Nag-guest ang mga nasabing beauty queen sa “It’s Showtime” at nagpa-photo op si Kim sa kanila.

Nagmukha talagang winner si Kim sa photo, at hindi nga nalayo ang slim figure niya sa mga beauty queen.

Nakasuot ng clogged-shoes or elevated shoes si Kim kaya pumantay ang height nito sa lima.

‘Yun nga lang, 31 years old na si Kim at malayo na sa age requirement ng pageant.

At sikat na aktres naman si Kim, na milyon ang mga follower sa socmed, at nakapagpundar na ng mga ari-arian, kaya hindi na niya kailangan ang mag-join pa sa beauty pageant.

Pero tumitili sa mga comment nila ang mga fan na nagsasabing baka naging title holder ang idol nila kung sumali ito noong early 20’s niya.

Biro ng beauty queen na si MJ Lastimosa, isasali niya sa 2022 si Kim.

Tuwang-tuwa naman si Kim sa mga papuri sa kanya ng mga fan.

Kyle mas macho, katakam-takam kay Seth

Siguradong mauungusan na ni Kyle Echarri ang kapwa member ng Gold Squad na si Seth Fedelin sa ginagawa nitong training sa kasalukuyan.

Nagpaganda ng katawan at desididong magpaka-macho ni Kyle, na malayo sa porma ng katawan ni Seth.

Sa video post ni Kyle sa Instagram, puspusan ang ginagawang training ng Kapamilya young actor. Naka-topless si Kyle habang nagbubuhat ng metal plates.

Bilib ang mga fan sa pagpupursige ni Kyle na maging macho. Tuwang-tuwa ang marami, at may iba na naglalaway sa dibdib ni Kyle.

So, asahan na nga na si Kyle ang susunod na pagwawater-wateran ng mga babae.

Lassy mabenta sa mga afam

Hindi lahat ng pagkakataon ay panget ang dating ng stand-up comedian, aktor na si Lassy Marquez. Marami ring pagkakataon na maganda at kanasa-nasa siya sa mata ng ibang kalalakihan.

Pinagmalaki ni Lassy sa mediacon ng movie na “Sarap Mong Patayin”, na pinagbibidahan din nina Kit Thompson, Ariella Arida, na nakahada rin siya ng doktor.

Kuwento ni Lassy, taong 2000 nang makilala niya sa isang party ang doktor. Hindi na nagbigay pa ng detalye si Lassy sa sexcapde niya sa doktor dahil sa kasiyahan nitong ibahagi ang natatangi niyang kuwento.

Bukod dito, masarap din ang itsura ni Lassy sa paningin ng ibang lahi.

Salaysay ni Lassy, nasa Australia siya at nagsasayaw sa dance floor sa isang bar, isang Australian ang nakipagsayaw sa kanya, at nadagdagan pa ng isa.

Hindi na dinetalye ni Lassy ang eksena, pero ayon sa kanya ay isa roon ang nahada niya.

Kahit hindi siya maganda sa paninging ng mga Pinoy, pasok naman ang itsura at ganda nya sa abroad. Pinaka-in demand ang beauty niya sa Australia, US, Middle East.

Pinagdiinan niyang walang ‘money involved’ `yon kundi ganda lang.

Well, matutunghayan ang iba pang ganda at katangian ni Lassy sa “Sarap Mong Patayin” na mapapanood sa Oct. 15, sa Vivamax, na dinirek Darryl Yap.

Sta. Maria nanawagan ng tulong sa mga biktima ng bagyo

Nanawagan ng donasyon si Jodi Sta. Maria gamit ang Instagram para sa mga nasalanta ng bagyong Maring, sa Baguio City. Nakaposte sa IG ng aktres ang detalye.

“Baguio is one of the places that has been hit hard by Typhoon Maring and we would like to reach out to you for help. Care for you PH together with JODInatics are raising funds to help displaced families in Baguio. You can send your donations via these accounts. We are all in this together. Maraming salamat po @jodinaticsofficial,” sabi ni Jodi.

Rosanna hindi pa papatayin sa ‘Ang Probinsyano’

Mukhang matatagalan pa, at hindi pa papatayin si Rosanna Roces sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil heto nga at balik siya sa lock in taping nito.

“Quarantine for FpjaP, love,” sabi ni Osang.

Kinatuwa ito ng kanyang mga tagahanga na nasabik siyang makita uli sa telebisyon. Sa totoo lang, napaka-suwerte ni Osang sa panahon ng pandemya dahil hindi sya nawalan ng trabaho.

Si Osang ay isa sa mga beteranong matapang na humaharap sa posibleng pagkakahawa ng virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.