Una sa Balita

Kim, Dennis magsasalo sa kaligayahan

Sey niyo Xian, Jennylyn?

0 2,407

abante-i-know-better-jun-nardoGoodbye muna si Kim Chui sa ka-loveteam, dyowa na si Xian Lim habang si Dennis Trillo naman ay pahinga muna sa love niyang si Jennylyn Mercado.

Sina Dennis at Kim ay magsasalo sa kaligayahan dahil magkakapareha sila sa unang pagkakataon sa gagawing Regal movie na One Great Love.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Eric Quizon, mas mature na Kim ang mapapanood at wala na ‘yung mga bungisngis niyang naging tatak sa nagawang mga movie.

“Makaka-relate sila sa pelikula and it’s an honor na makasama si Sir Dennis. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sobrang iba talaga ito sa nagawa ko. Kapag may presscon ako, tinatanong ako kung anong bago na maio-offer ko.

Dumating na lang ang script nito. Nu’ng binasa ko, hindi lang basta kuwento o role na gagawin ko. ‘Yung story itself. Sana magawa ko nang maayos” pahayag ni Kim sa storycon ng pelikula.

Hindi kaya magselos ang mga fan nila ni Xian sa pakikipagpareha niya kay Dennis?

“Ahhh, iba naman ito eh. It’s something new. Eh si Xian, nag-partner na rin naman siya sa iba,” saad ni Chinita Princess na ang tinutukoy ay sina Coleen Garcia at Nathalie Hart sa pelikulang Sin Island.

Naku, baka magulat siya dahil kilala si Dennis na tahimik na tao, huh!

“Magiging maingay na siya!! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Kim.

Paano ‘yan, hindi na niya mapapanood nang live ang pagba-basketball ni Xian kapag nag-shooting na sila?

“Grabe ‘yon! Okay lang. Me­ron naman sa YouTube. Saka hanggang December pa ‘yung game kaya makakapanood pa rin ako,” sey niya.

Bela, Kim garapalan magbiruan

Kamakailan, naging trending ang biruan nila ni Bela Padilla sa gues­ting nila sa show ni Vice Ganda.

“Ganyan kami talaga magbiruan ni Bela. Sa kakachika namin, nakalimutan naming nanonood pala ang buong bansa!

“Tuksuhan lang talaga! Wala namang hugot. Dinidiin ko lang siya sa taong ayaw niya rin. So parang inisan lang. Nakalimutan naming may nanonood pala.

“Hindi naman ako offended. Biruan lang. Hindi lang sila sanay. Garapalan kami pag nagbibibiruan kami!” katwiran ni Kim.

Anyway, kasama nina Kim at Dennis sa movie sina JC de Vera, Marlo Mortel, Miles Ocampo at mula ito sa panulat ni Gina Marissa-Tagasa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy