Una sa Balita

KIM D. AT MEG I., NAGLALAGABLAB ANG TARAYAN NG ALINDOG!

0 6
KIM DOMINGO
Kim Domingo

Maraming boys na ang medyo bitin na kay Kim Domingo. Sa bago niyang teleserye na D’ Originals, wala pa raw masyadong pinakikitang skin si Kim at hindi raw tulad sa Bubble Gang tuwing Friday ng gabi, mas madalas na ang eksena niya ay halos lumuwa na ang boobs niya, lalo na ngayong summer.

Pero sa D’ Originals nga, parang ang tagal daw bago maghubad ni Kim. Dahil daw ba sa panghapon ito at bawal mapanood ng mga bata?

Abante Hiring – IT dep

Well, ngayong week na ito, hinding-hindi na mabibitin ang mga kalalakihan kay Kim.

Heto nga at maglalagablab na ang Afternoon Prime ngayong Summer sa maiinit na tagpo sa D’ Originals.

Mapapanood nga ngayong week na ito na tuluyan na ngang magiging marupok si Lando (Jestoni Alarcon).

Maaakit at mahuhulog na siya sa patibong ni Yvette (Katrina Halili) habang walang kamalay-malay ang kanyang misis na si Josie (Jaclyn Jose).

Level-up nga ang lihim na relasyon ni Lando at Yvette dahil kahit sa beach, magtatagpo ang dalawa.

Pero teka, ang mga “Original” misis nasa same resort pala! Mahuli kaya ni Josie ang mga milagrong ginagawa ng kerida at ng kanyang asawa?

Samantala, mapupuno naman na si Marge (LJ Reyes) kay Caloy (Mark Herras) dahil bukod sa wala nang trabaho, hindi pa ito maasahang magbantay ng anak at mag-asikaso sa bahay.

Sa sobrang galit, babasagin ni Marge ang gitarang pinakamamahal ng musikerong mister.

Mabibigo naman si Art (Archie Alemania) dahil ‘false pregnancy’ pala ang akala niyang ipinagbubuntis ni Sofia (Kim Domingo).

Sa beach kung nasaan ang sexy pictorial ng kanyang pinakabagong talent na si Alice (Meg Imperial), magkikita at magkaka-initan ang kanyang misis at ang kanyang ex.

At dito nga sasabog ang matinding labanan ng alindog nina Kim at Meg! Parehong bikini ang suot ng dalawa, at pareho rin silang palaban sa pagpapakita ng alindog.

Ang tanong na lang, sino sa kanila ang mas hot sa panlasa ng mga boys.

Tutukan ‘yan sa  D’ Originals, Lunes hanggang­ ­Biyernes, 4:15 p.m pagkatapos ng Legally Blind sa GMA Afternoon Prime.