Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim Chiu pangit mag-host – Vice Ganda

0 251

Aliw na aliw ako sa banter nina Vice Ganda at Kim Chiu sa ‘It’s Showtime’. Wala kasing pakiyeme si Vice kung laitin ang pananalita, pananamit ni Kim.

Tila nakahanap nga ng bagong ‘laruan’ si Vice sa katauhan ni Kim. Noon kasi ay si Anne Curtis ang madalas paglaruan ni Vice.

Pero, kumusta ba ang hosting style ni Kim?

“Ang pangit ng hosting style ni Kim!” sagot ni Vice, kasunod ang malulutong na halakhak.

“But it’s okey. It’s manageable. Hahahaha!” dugtong pa rin ni Vice kasabay ang malalakas na tawa.

“Laking pasasalamat ko na dumating si Kim sa Showtime. Ang laking blessing ni Kim sa Showtime. Hello, 12 years, sawang-sawa na rin naman ako sa mukha nina Vhong (Navarro) at Jhong (Hilario). Hahahaha!

“Araw-araw ko silang nakakasama. Hindi ko na kayang mag-adjust kina Vhong at Jhong, kaya kailangan na talaga ng iba.

“Hindi, ang sarap na addition, ang bonggang addition ni Kim sa show. Ang sarap niyang paglaruan. Tapos ina-allow niya ang sarili niya na paglaruan, kasi may iba na hindi papayag.

“Yun ang masarap na dynamics sa Showtime, na walang Anne Curtis-Anne Curtis sa akin, na kahit ikaw ang dyosa sa showbiz, isisiwalat ko na ikaw pa rin ang may pinakamalaking bunganga sa showbiz. Hahahaha!

“Walang dyosa-dyosa sa akin. Si Kim Chiu ganun din. Walang PBB big winner sa akin.

“Team player siya. Family member. And she enjoys the show. She enjoys us. Kaya madaling nakakonek sa amin si Kim.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kim hayaan mo lang na sumablay ka.’ Kasi sa simula gusto niyang ayusin ang ginagawa niya, gusto niyang seryosohin, pati spiels niya kinakabisado niya. Sabi ko, huwag, i-allow lang niya sarili niya na magkamali, kasi doon kami mas nakakaaliw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang okrayan namin, ‘yun ang gusto ng mga tao. Big blessing talaga siya sa amin,” saad pa ni Vice.

***

Ayejee, JM kinatatakutan sa ‘Tawag Ng Tanghalan’

Samantala, sa presscon ng ‘It’s Showtime’ para sa mga grand finalist ng Tawag Ng Tanghalan, lumabas na sina JM Yosures at Ayejee Paredes ang kinatatakutan ng pito pang contestant.

Magtatapatan nga ang 9 na singer para makuha ang suporta ng parehong mga hurado at madlang people sa pagtatapat nila sa ikaapat na week-long grand finals ng “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” sa “It’s Showtime” mula Pebrero 1 hanggang 6.

Maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa tatanghaling champion dahil magwawagi siya ng P1M, brand new house and lot mula Lessandra na worth P2M, recording contract sa Star Music, management contract sa Star Magic, at isang espesyal na trophy na gawa ni Toym Imao.

Bukod kina JM at Ayejee, dapat ding katakutan sina Rachell Laylo ng Batangas, Rica Mae Maer ng Pangasinan, Emmar Cabilogan ng, Leyte, Nikole Kyle Bernido ng Cagayan De Oro City, Makki Lucino ng Sorsogon, Donna Gift Ricafrente ng Laguna, Mara Tumale ng Bulacan.

Sa unang dalawang araw ng kumpetisyon, mga awiting maglalarawan sa kani-kanilang journey ang kanilang kakantahin at ang makakakuha ng pinakamababang combined score ang matatanggal sa pagtatapos ng Martes.

Muling ibabalik sa zero ang scores ng matitirang finalists at magsasalpukan sila gamit ang mga kantang may temang “Laban Natin ‘To” sa Miyerkules at Huwebes, at temang “Now or never” naman sa Biyernes. Isang finalist kada araw naman ang matatanggal sa Huwebes at Biyernes.

Pagdating naman ng Sabado, aawitin ng anim na matitirang grand finalist ang kanilang “Dream Song” at sa pagtatapos nito’y tatlo pa ang malalagas sa kanila.

Sa huling tapatan, ang tatlong matitirang matibay ang magpe-perform ng pambatong medley na muling huhusgahan ng madlang people at mga hurado.

Sino kaya sa kanila ang tatanghaling ikaapat na “Tawag ng Tanghalan” grand champion at susunod sa yapak nina Noven Belleza, Janine Berdin, at Elaine Duran?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.