Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim Chiu nagpatutsada kay Cong. Remulla

0 1,163

Idinaan na lang sa patutsada ni Kim Chiu ang ginawa ni Cong. Remulla na pagsulat-sulat sa papel sa ibabaw ng lamesa, habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang, at ang mga katabi niya ay nakahawak pa sa dibdib.

“Saw this online…” sabi ni Kim sa video ni Cong. Remulla na dedma nga sa Lupang Hinirang.

Ang kasunod na Instagram story niya ay nagpapakita ng isang batang babae na naka-school uniform, na huminto sa paglalakad para magbigay galang sa ‘Pambansang Awit’ ng Pilipinas. Idinikit ang naturang larawan ng batang babae sa larawan ni Cong. Remulla na nagsusulat nga sa lamesa.

“Hahayaan na lang ‘ulit’ dahil sila ay…” sabi ni Kim, na tila ang gustong tukuyin ay dahil mga powerful sila.

“Nakakaiyak na ang mga nangyayari, sa totoo lang,” sambit pa ni Kim.

Well, isa nga si Kim sa mga Kapamilya star na naglalabas ng sama ng loob dahil sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.