Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim Chiu nagkasakit sa taping

0 619

Dahil sa pagkakasakit nga ni Kim Chiu ay walang taping ang “Love Thy Woman” noong Tuesday. Pero mukhang ok naman sa cast, staff and crew para pahinga naman sila.

Pero siyempre, lahat sila ay nagdasal na gumaling kaagad si Kim.

Na-allergy si Kim dahil sa seafood na kinain.

Actually, may isang close kay Kim na nagsabing madalas naman daw ma-allergy ang aktres sa mga seafood.

Noon pa raw talaga problema ni Kim ‘yon, pero sobrang nag-alala raw si Xian Lim para sa girlfriend.

Anyway, ang dinig ko, kahapon ay may taping na uli ang “Love Thy Woman” na napapanood pa rin sa Kapamilya Channel sa cable (pati satellite), iWant app at TFC (The Filipino Channel), so I guess, ok na si Kim.

Maricel, Dina, Snooky magsasama sa ‘Overage’

Magre-resume na rin daw ang taping ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday”. Inaayos na raw ‘yon, pero hindi naman daw very soon ang resume nila.

Pero ang maganda nga, kung si Maricel Soriano ay nag-resume na ng work para sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” ng ABS-CBN ay magre-resume na rin ng work ang kapwa niya Regal Babies noon na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna para naman sa GMA 7 primetime series ng mga ito.

Pareho raw nag-yes sina Dina at Snooky na ok sa kanila na mag-taping na.

Oo nga pala, in the future kaya ay may posibilidad pang matuloy ‘yung plano ni Direk Joel Lamangan na gawan sila ng reunion movie na noong una ay napabalitang “Overage” ang title?

Well…

Nathalie nganga sa trabaho dahil kay Ryza

Dahil nganga pa nga si Nathalie Hart at malabong mag-resume ang shooting ng “Kunwari Mahal Kita” movie nila nina Ryza Cenon at Joseph Marco under Viva Films, nag-iba muna siya ng kulay ng buhok.

“Purple and platinum, Tito Jun,” ang sey ni Nathalie nang usisain ko ang bagong kulay ng buhok niya.

Nakapagpa-parlor nga lately si Nathalie at mukhang aliw na aliw naman siya sa bagong kulay ng kanyang buhok.

In fairness, bagay sa beauty ni Nathalie ang bagong kulay ng kanyang buhok, huh!

Wala nga naman siyang magiging problema sa continuity ng hitsura niya sa nabanggit na pelikula dahil mukhang next year na ang resume nila dahil manganganak muna si Ryza at kailangang bumalik sa dati ang hitsura nito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.