Una sa Balita

Kim Chiu muntik mabulag!

By
0 764

Sa Instagram story ni Kim Chiu, ibinahagi niya ang nangyari sa kanyang contact lens. Pinakita niyang napunit ito, at nahanap lang niya ang half part ng kanyang contact lens na napunit sa likod ng eyeball niya!

Dahil ‘yan sa nakatulog siya habang nakasuot siya ng contact lens. Hala! Nakakaloka!

Well, after niyang i-post itong nangyari sa mata niya, hindi na niya pinakita sa mga follower niya ang nangyari sa kanyang mata, nakasuot na siya ng malaking shades. For sure, namula ang mata niya o baka nga naimpeksyon pa.

Hindi siguro talaga maiiwasang makatulugan ng isang tao ang contact lens, lalo na kapag sobrang pagod na talaga, ‘di ba? Nangyari na rin ‘yan sa ibang artista tulad na lang ni Ruffa Gutierrez na namula rin talaga ang mata. Kaloka! Tiis ganda talaga ang pagsusuot ng contact lens eh.

Going back kay Kim, hindi na nga siya nag-post ng anumang video o picture na makikita ang kanyang mata. Puro promotion na lamang ng kanyang upcoming MMFF entry na “One Great Love” ang kanyang pinost.

Hindi maitatatangging pagod talaga si Kim kung kaya’t nakatulugan niya ang suot niyang contact lens, dahil sunod-sunod talaga ang kanyang ganap. Lagari ang kanyang trabaho.