Una sa Balita

Kim Chiu madalas sampalin si Ryan Bang

By
0 4,313

Pinangangatawanan na nga ni Kim Chiu na malinya sa mga horror films at tawaging Horror Princess. Heto at horror/comedy naman ang bago niyang pelikula sa Star Cinema, ang DOTGA o Da One That Ghost Away.

Kinorek kami ni Kim nang tanungin namin siya kung ano ang reaksiyon ng Ate Kris (Aquino) niya na siya ang sumusunod sa yapak nito bilang si Kris nga ang da­ting Reyna ng horror.

“Anong dati, siya pa rin (ang reyna),” sabi ni Kim.

“Magka-text naman kami at happy siya na nag-horror ulit ako, pero may comedy. Bagay raw sa akin, parang ganyan. So parang natutuwa siya.”

Bago nga kay Kim ang genre ng DOTGA na ipalalabas na sa April 18 sa mga sinehan at ang leading man niya pa, si Ryan Bang. Sa part ni Ryan, talagang overwhelming daw rito na maging lea­ding man ni Kim. Eh, ano naman ang masasabi niya kay Ryan?

“Si Ryan, sobra siyang game sa kahit na ano. Best in adlib kami. Nagugulat na lang si Direk. Parang wala sa script ‘yun ah. Minsan nasasampal ko siya, go pa rin siya.

“Minsan, natatawa na lang ako sa itsura niya. Parang fun naman, game naman siya, hindi naman siya nagagalit.”

Sa isang banda, naire-relate pa rin ni Kim sa totoong buhay niya ang bagong movie. Kung tatanungin daw kasi siya kung sino ang DOTGA niya, ang nama­yapa niyang ina ito.

Aniya, “Hindi ko na kasi siya nakita bago siya mamatay, so siya yung DOTGA ko.”

Sofia ayaw maging star

Ramdam namin ang pagmamahal at pagmamalaki ng isang ama sa anak nang magbigay ng kanyang mensahe ang dating Mayor ng Tacloban na si Mayor Alfred Romualdez sa ginanap na launching ng anak na si Sofia Gonzalez Romualdez sa Manila Polo Club.

Ayon sa dating alkalde, sa mga hindi raw nakakakilala pa kay Sofia, ikinuwento nito kung gaano na­ging matapang ang anak. Na napahiwalay ito sa inang si Mayor Cristina Gonzalez at kapatid na si Diana na nakaakyat ng ceiling. Si Sofia raw ay naiwan at pinalad lang na may nakapitan itong poste and was really fighting for her life for two hours.

Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit pinush nilang mag-asawa ang music kay Sofia para maging way na rin sa pag-cope-up sa trauma. Aniya, I hope you will see the courage and the resilience of our daughter.”

Two years ng Viva recording ar­tist si Sofia at nakapag-launch na ng una niyang single, ang ‘Pikit Mata’ at ngayon nga sa second single niya, ang ‘Thinkin’ of U’ na siya mismo ang nagsulat at puwede ng ma-download sa Spotify. Definitely, may distinct sound si Sofia na wala sa iba.

Gusto namin ‘yung sinabi niya sa media launch niya na, “I don’t want to be a star. I just want to make music.”