Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim Chiu binansagang ‘Millennial Horror Queen’

0 160

Ilang linggo pa bago ang Halloween pero excited na si Kim Chiu na mag-celebrate nito.

Nag-post kasi siya sa Instagram nitong linggo ng isang teaser para sa bago niyang pelikulang “U-Turn” kung saan isang madilim na daan lang ang nakikita at may pabulong na nagsabing “nandiyan na sila.”

“Sa daan may batas, SUMUNOD KA” caption ng aktres.

Nagimbal yata ang mga fan ni Kim sa post lalo na’t malalim na ang gabi noong pinost niya ito.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni @myidolkimchiu, “Hala Kimmy naman, patulog na ako nakita ko pa ‘to. Nakaka-excite, congrats Millennial Horror Queen!”

“Grabe goosebumps. Teaser pa lang nakakatakot na, what more pa ang full trailer, lalong lalo na ang full movie. Can’t wait to watch sa sinehan, for sure it’s going to be a box office hit horror movie,” hirit naman ni @only.arviiii.

Makakasama niya sa horror movie ng Star Cinema sina Tony Labrusca at JM de Guzman.

Sobrang busy na talaga ni Kim these days na kahit katatapos lang ng serye niyang “Love Thy Woman,” sumabak agad siya bilang regular host ng “It’s Showtime” at ngayon nga ay sa “U-Turn” naman. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.