Una sa Balita

Kim Chiu binalaang mag-ingat sa bala

0 796

Sa video na ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Instagram ay makikitang nagsalita ng Chinese ang aktres bilang pampa-good vibes sa kanyang mga follower. Tila ba parang kinakausap niya ang coronavirus na umalis na sa ating bansa.

Caption nya, “Day 14 quarantine! Dadaan lang po. Pampagoodvibes!!! 😁 Chinese na yan baka sakali maintindihan na nya!!! 🙈 sinama ko na din si buddha na walang kamalay malay sa video!😅 #yokonapo @tiktok_philippines.”

Eh, hirit ng isang follower niya; @jaicayohan “Ilag ka Kim baka tamaan ka ng bala.”

Sinagot naman ito ng aktres na; “@jaicayohan thats not a good joke po”

Maaalalang na-ambush ang sasakyan ng aktres kamakailan lang at swerteng nakaligtas sa mga tama ng bala. Sa komentong iniwan ng aktres, tila ba napikon ito sa ginawang banat ng kanyang follower. (Sarah Asido)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More