Una sa Balita

Kim ayaw nang magpasilip ng boobs

By
0 2,242

Pahinga na talaga sa pagpapa-sexy si Kim Domingo. Matapos niyang painitin ang mga male fan niya sa kanyang mga bikini­ shot sa social media­ at mga sexy outfit na labas ang kanyang cleavage, maging ng kanyang katawan, sa mga nakaraan niyang mga serye sa Kapuso network tila nagbagong anyo na siya ngayon.

Kaya namin nasabing­ time-out muna si Kim sa sexy image niya dahil halos lahat ng mga

post niya sa social media, tulad ng Instagram ay pawang balot na balot siya.

Walang trace ng sexy image ang makikita­ sa mga photo posting ni Kim sa IG. Kung hindi­ nga nakilala bilang sexy star si Kim, aakalain mong isa siyang sweet-star sa mga pino-post niyang larawan.

Wala nang masisilip­ na cleavage o kahit anong sexy part ng katawan ni Kim sa socmed. Kung meron man ay kuha pa noon sa kanyang Bench undergarment­ pictorial.

Gusto na ba niyang magbago ng image? Any­ways, papasa na wholesome star si Kim dahil sa sobrang amo ng kanyang mukha. Pero, mahirap pa ring kalimutan ang laki ng kanyang boobs.