Una sa Balita

Kilos-protesta vs Trump

By
0 2

Isang araw matapos ideklarang nagwagi bilang ika-45 Pangulo ng Estados Unidos si Donald Trump ay sumiklab ang mga anti-Trump protests sa iba’t ibang panig ng nasabing bansa.

Ayon sa ulat, nag-rally sa lungsod ng Oakland, Los Angeles, Portland, New York, California at nagsunog pa ang mga ito, hinarang ang trapik habang ilang estudyante sa California ang nag-walk out sa gitna ng kanilang klase na nagtungo sa Los Angeles City Hall.

Sinasabing pagpapakita ito ng pagtutol sa naging resulta ng halalan kung saan himalang tinalo ng baguhang pulitiko na si Trump ang beteranong pulitiko na si Hillary Clinton.

Nagluluksa ang mga supporters ni Clinton at shocked sa pagkatalo ng dating Secretary of State.

Sa Kavits Center kung saan sana isasagawa ang victory party ni Clinton, nag-iiyakan ang mga supporters ng Democratic candidate dahil sa hindi matanggap na malaki ang puntos ng agwat ng electoral votes.

Mismong si Clinton ay hindi na humarap sa kaniyang mga tagasuporta matapos mag-concede kay Trump na una nang nagsabing malungkot ito sa kina­labasan ng eleksyon kung saan ‘deeply divided’ a­niya ang Amerika.

Gayunpaman, hinimok pa rin Clinton ang buong US maging ang kaniyang mga tagasuporta na magka­isa at maging bukas ang isipan at bigyan ng pagkaka­taon si Trump na mamuno sa bansa.