Una sa Balita

Killjoy si Tim Cone

0 428

Humanga ulit ang ating mga kababa­yan at mga bisitang dayuhan sa naging opening ceremonies ng 30th SEA Games nitong Sabado.

Ang gagaling ng mga performer, singer at dancer na nag-participate.
Ang laking bagay na ang event ay idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan.
Hindi biro kasi ang um-attend ng parada ang mga manlalaro na halos aabutin ka ng 3-5 hours na lalakad at tatayo sa isang araw at lalo na kung ikaw ay may laro kinabukasan.

Sayang sa parte ng men’s basketball, na-miss nila at nagpaliban sa opening ceremonies dahil sila ay nag-training na lang. Umandar ang pagka-killjoy ni Coach Tim Cone rito.

Sobra yatang nagsisiguro sa kampanya sa laban ng SEA Games. Hindi biro ang ginastos ng Pilipinas sa SEA Games para lang ito ay maging successful.
Congrats kina KZ Tandingan, Apl.de.ap. ng Black Eyed Peas at iba pa.

Grabe ang kahihiyan na inabot natin sa ating mga bisitang bansa nu’ng dumating sila sa Pilipinas. Maraming hindi na nasundo sa tamang oras, walang accreditation, hotel bookings, traffic, venue, security escort, food etcetera, parang hindi nag-meeting itong mga Phisgoc na ito. Tila bagang walang planning.

Kung ang mga politiko nga eh may escort ano ba naman bigyan natin ng escort ang mga malalayo ang training o laro.

O maglagay man lang ng SEA Games lane diyan sa EDSA kahit magka-traffic-traffic na. Ma-prioritize lang ang mga manlalaro. Isang malaking ‘HAYNAKO’ kayo.

Kaya ang mga ibang bansa iisipin nila na baka naman strategy ng ‘Pinas ‘yan na buwisitin ang mga team para ma-distract sa laro. At mag-number one o overall champion tayo hehehe.

Gawain kasi ng ibang bansa ‘yan na pag padating ng semis o finals. Kesyo late ang team bus mo, brownout sa venue, nagvi-video sa training ng kalaban at si­yempre agrabyado ka sa tawagan ng umpire o referee.

Kaya paulit-ulit sinabi ng coaches na wala na silang magagawa diyan sa situation dahil nandiyan na ‘yan.

Distractive in a way sa mga atleta ‘yan. Kaya mega-adjust ka na lang talaga. ‘Yan ang labanan sa international game.

Sana pina-privatize na lang sana nila itong SEA Games dahil itong mga ganitong event ay hindi biro.

Sa tagumpay ng opening ceremonies nitong SEA Games natakpan lahat ng pagkukulang natin sa ating mga bisita.

Kaya congrats at papuri sa mga nag-organize ng event. Nakahabol ‘ika nga! Good luck sa lahat ng lalaban pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy