Una sa Balita

Killer tahong sa Samar

By
0 135

Dalawang bata ang namatay dahil sa pagkain ng tahong na positibo sa red tide sa Samar.

Kinilala ang nasawing sina Roselyn Rimala, 11, residente ng Barangay Cagutsan Sierra Island; at Gerry Miranda, 5, ng Barangay San Andres, Calbayog City.

Ayon kay Regional Director Juan Albaladejo, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office-8, kumain ang mga biktima ng tahong na positibong kontaminado ng red tide.

Iniimbestigahan pa ng pamunuan ng Calbayog kung sino ang responsable sa pagbebenta ng tahong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy