Una sa Balita

Killer ng saleslady sa Lucena, may ‘sayad’

By
0 26

Nakakulong na ngayon sa Lucena City police station custodial facility ang person of interest sa kaso ng pinatay na 19-anyos na saleslady­ sa Lucena City.

Ayon kay Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Lucena PNP, naaresto ang suspek sa isang follow up operation sa Brgy. Cotta, Lucena City nang ito ay ireklamo sa kasong trespassing matapos pumasok sa isang bahay hindi kalayuan sa boutique store kung saan natagpuang patay ang saleslady na si Vheanca Anne Punzalan.

Ayon kay Sr. Supt. Roderick Armamento, provincial director ng Quezon PNP, malaki ang posibilidad na ito rin ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa dalaga na pinagsasaksak at naiwan pang nakatusok sa isang mata ang ginamit na kutsilyo.

Ayon sa pulisya ang suspek ay isang lalaking may diperensya umano sa pag-iisip.

Tumutugma umano ang deskripsyon nito sa sinasabi ng mga testigo at ito rin ang huling nakitang aali-­aligid sa lugar.

Ini-inquest na rin ito sa piskalya at hinihintay na lamang ang resulta ng mga ginawang pagsusuri ng crime lab sa mga natagpuang dugo at pubic hair sa crime scene.