Una sa Balita

Killer ng call center agent laya pa

By
0 10

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ni Raziel Joy Alfaro, ang 29-anyos na call center agent mula Antipolo City, Rizal, na pinagsasaksak ng 17 beses sa room 214 ng Tanza Oasis Beach Resort sa Barangay Capipisa, Tanza Cavite, noong gabi ng Sabado.

Sa personal na pana­yam ng Abante sa ama ng biktima na si Romeo Alfaro, sinabi nitong napakabait at napakaresponsableng anak si Raz, at hindi nararapat sa kanya ang brutal na kamata­yang sinapit sa kamay ng suspek na si Shannon James Bon Buckly.

Dagdag pa ng ama ni Raz, pumasok lang ito bilang call center agent habang hinihintay ang mga inaayos na papeles upang makapagtrabaho sa ibang bansa, dahil isa itong registered nurse, at tumata­yong Admin ng Mainegirls, na isang fans club ni Maine Mendoza ng ALDUB.

“Sadista at madaling mag-init ang ulo”, ­ganito inilarawan ni Ngar Yee Chan, dating live in partner ng suspek nang ka­panayamin ng Abante sa Tanza Municipal Police Station. Inamin nito na gumagamit at ­nagbebenta ng cocaine si Shannon.