Una sa Balita

Killer ng barrio doctor… Hulihin mo, Bato!

By
0 3

Hinamon ng isang senador si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na tugisin at hulihin ang bumaril at nakapatay sa isang doktor na piniling magserbisyo sa mga kapuspalad sa baryo imbes na sa mayayamang pasyente sa lungsod.

“Bato should make it his personal mission to find the killers of Dr. Dreyfuss Perlas, the barrio doctor who was shot death March 1 in Lanao Norte,” giit ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Sinabi ni Recto na dapat umanong maka-relate si Dela Rosa sa pinagdaanan ni Dr. Perlas dahil pareho silang naging iskolar ng ba­yan at parehong nadestino sa malalayong lugar.

Kung tutuusin, ang mga doktor ay hindi dapat ginagalaw kahit na sa panahon ng giyera at obligasyon din ng pulisya na tiyakin na hindi sila masasaktan sa pagganap ng kanilang tungkulin lalo na sa mga lugar na may problema sa peace and order.

Si Perlas ay binaril habang nakasakay sa kanyang motorbike sa Barangay Maranding Annex noong Miyerkules ng gabi kung saan kagagaling lamang nito sa medical mission.