Una sa Balita

Killer inaresto habang nagba-basketball

By
0 658

KULUNGAN ang bagsak ng isang wanted na lalaki na nahaharap sa kasong pagpatay sa Mandaluyong Police matapos maispatan na naglalaro ng basketball sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa nang gabi.

Sa dalang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Monique Quisumbing-Ignacio, presiding Judge ng Mandaluyong RTC para sa kasong murder, inaresto si Scott Matthew Mandinguiado y Intalan, 29-anyos, at residente ng No. 18 Mariveles St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Inaresto si Mandinguiado sa kasong murder matapos na makatanggap ng tip na naispatan ang suspek sa Maynila kaya agad na ikinasa ang arrest warrant kasama ang pinagsa­nib na puwersa ng intelligence unit, barangay at Special Operation Unit ng Mandaluyong police na pinangu­nahan ni PCInsp. Allan De Leon at nahuli si Mandinguiado habang nag­lalaro ng basketball sa Punta, Sta. Ana, Manila bandang alas-nuwebe kamakalawa nang gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy