Una sa Balita

Killer buses, trucks tutuldukan ng Senado

By
0 1

Sa layuning matuldukan ang ugat ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga killer buses at trucks, pinaiimbestigahan ni Sen. Leila de Lima sa kinauukulang komite ng Senado ang kapabayaan o kahinaan ng gobyerno na siyasatin ang roadworthiness ng mga lumang sasakyan na patuloy na bumibiyahe sa mga lansangan.

Sa inihaing Senate Resolution No. 314, itinulak ni Sen. Leila de Lima ang imbestigasyon kung bakit nabigo ang gobyerno na magsagawa ng regular, systematic at credible inspection sa lahat ng land-based ­vehicles.

“Major road accidents emanating from negligence in inspections have been a perennial problem in our society, taking ­hundreds of innocent ­Filipino lives in the process,” diin ni De Lima.

Binanggit pa ng senadora ang ilang aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng pampublikong sasakyan tulad ng aksidente sa Tanay, Rizal noong Pebrero 20 kung saan 14 na estudyante ng Bestlink College sa Novaliches ang namatay gayundin ang driver.

Binanggit din dito ang iba pang mga aksidente na kumitil ng maraming buhay sa nagdaang mga taon.