Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kilig! Deboto nag-propose sa harap ng Baclaran church

0 243

Paano mo ipapakita ang pagmamahal para sa taong pinakamahalaga sa iyo?

Para sa isang deboto, kahit sa simpleng paraan mapatutunayan ang pagmamahal sa ating sinisinta lalo kung kaharap at kasama ang Diyos.

Sinabay kasi ng lalaking ito ang kanyang proposal para sa tatlong taon nang girlfriend, sa kanilang pagbisita sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Parañaque nitong Enero 7.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilig ang mga nakasaksi sa sorpresang proposal ni Topher kay Kath, na mula pa sa Naic, Cavite. Lalo pang nagpasabog ng saya ang couple nang makuha ni Topher ang matamis na ‘oo’ ni Kath na naluha sa ginawa ng nobyo.

Dito mapatutunayang kahit may kinakaharap tayong pandemya, hindi mapipigil ang mga pusong nag-iibigan.

Best wishes sa inyo! (Jojo Sicat)

Leave A Reply

Your email address will not be published.