Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kili-kili ng anak ni Madonna agaw-eksena sa Met Gala

0 507

Proud na proud na ipakita ng anak ni Madonna na si Lourdes Leon ang mga buhok niya sa kili-kili.


Sa nakaraang Met Gala, walang takot na tinaas ni Lourdes ang kanyang braso para ipagmalaki ang kanyang unshaven armpits habang suot niya ang glittering fuchsia Moschino ensemble by Jeremy Scott, na isang bikini halter top and matching skirt covered in sequin embellishments.


Naging statement na ni Lourdes ang ipakita ang kanyang armpit at body hair at naagawan nga naman niya ng eksena ang mga fashionista sa Met Gala. Ang maganda pa kay Lourdes ay wala siyang care sa sasabihin ng ibang tao at gagawin niya ang gusto niya dahil katawan daw niya iyon.


Nagmana nga si Lourdes sa kanyang ina na walang keber at hindi sinasadyang gumawa ng eksena para ma-express ang kanyang sarili.

Si Madonna ang isa sa nagpauso noon ng ‘di pag-ahit ng buhok sa kili-kili noong 80’s at 90’s.


“I saw how popular girls had to behave to get the boys. I knew I couldn’t fit into that. So I decided to do the opposite. I refused to wear makeup, to have a hairstyle. I refused to shave. I had hairy armpits,” sey ni Lourdes sa interview niya with Harper’s Bazaar.


Dahil sa kanyang kakaibang personality, kinuha si Lourdes para sa bagong fashion campaign for Marc Jacobs. Makikita rin sa campaign ang pamosong armpit hair ni Lourdes. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.