Una sa Balita

Kilalanin si Lt. Gen Noel Clement

0 387

TUTUTUKAN ng bagong-uupong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff ang pagdurog sa insurgency.

“Ang pinaka-critical factor kasi ngayon is how to bring in everybody onboard against this fight kasi hindi puwedeng ‘yung armed forces lang or ‘yung ­local government units natin ang lumalaban sa problemang ito, it has to be the whole country, the whole nation, this is a national problem so we have to address this as a people, collectively, para talaga magkaroon ng katahimikan sa bansa natin.”

Ito ang sinabi ni Central Command Commander Lt. General Noel Clement matapos lumutang ang kanyang pangalan bilang kapalit ni AFP chief Gen. Benjamin Madrigal sa pagreretiro nito sa susunod na linggo.

Pero nilinaw ni Lt. Gen. Clement na hindi naman nito pababayaan ang ilan pang importanteng isyu bukod sa problema sa insurgency na kailangang tutukan partikular ang kampanya kontra terorismo at ang territorial defense.

‘Pero hindi ibig sabihin pababayaan mo ‘yung campaign terrorism,­ territorial defense, etc, well they are continuing programs na kasi sa mga ‘yun and some of them are going to take long term, like ‘yung territorial defense natin we still have to develop the capability so medyo ipagpatuloy natin yung modernization program natin para ma-address natin yun,” dagdag ng uupong AFP chief of staff.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsabi na si Lt. Gen. Clement ang napili ng Pangulo mula sa listahan ng mga heneral na isinumite ng Board of Gene­rals, at hinihintay nalang ng DND ang kanyang mga appointment paper.

Kasalukuyang nakata­laga bilang Commander of Central Command (Centcom) sa Visayas region si Clement.

Nagsilbi rin itong AFP deputy chief of staff for operations at chief ng Philippine Army’s 10th Infantry ‘Agila’ Division.

Miyembro si Clement ng Philippine Military Academy Sandiwa Class of 1985.
Bago mapunta sa Centcom, pinangunahan nito ang 10th Infantry Division ng Phili­ppine Army kung saan sakop nito ang Davao region at Soccsksargen.

Nagsilbi rin itong deputy chief of staff for operation, commander ng 602nd Brigade, commanding officer ng 56th Infantry Battalion, at nagsilbi bilang Presidential Security Group ng kanyang unang mga taon sa serbisyo.

Isa din si Clement­ sa mga opisyal na kabilang sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 2007 pero napatunayang walang kinalaman sa kaso sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad.

Nakatakdang magretiro si Clement sa serbisyo sa Enero 5, 2020 sa kanyang ika-56 na kaarawan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy