Una sa Balita

Kilalanin mga personalidad na pinagmilagruhan ng Itim na Nazareno

0 942

Ni: Ruel Mendoza

Sa January 9 ang Feast of the Black Nazarene o ang tinatawag na Poong Itim na Nazareno na matatagpuan sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila.

Ayon sa history ng Black Nazarene, ginawa ito ng isang Mexican mula sa maitim na kahoy noong 16th century sa Mexico at dinala sa Pilipinas noong 1606.

Dinala ito sa iba’t ibang simbahan sa Maynila hanggang sa makarating ito sa Quiapo Church in 1787 at doon na ito nagtagal hanggang ngayon.

Sa mga deboto ng Poong Itim na Nazareno, naniniwala sila na kung sino ang makahawak dito ay lalapitan ng suwerte at makakagaling ng maraming sakit.

Taon-taon tuwing sasapit ang pista ng Black Nazarene, maraming deboto ang sumasama sa prusisyon nito o ang tinatawag na Traslacion (solemn transfer). Umaabot ito minsan sa higit na 12 million devotees.

Ang pinakamahabang traslacion ng Black Nazarene on record ay noong 2012 na inabot ng 22 hours mula Quirino Grandstand hanggang Plaza Miranda.

Taon-taon din ay may mga reported injury at death tuwing may Traslacion ang Black Nazarene. Karamihan sa mga ito ay dahil sa heat stroke, over-fatigue at aksidenteng nata-trample dahil sa rami ng tao.

Ilan sa ating mga local celebrity ay deboto ng Black Nazarene at pinatotohanan nila ang milagro na nagawa nito sa kanilang buhay.

COCO MARTIN
Hiling na trabaho natupad

Bata pa lang daw si Coco Martin ay sinasama na siya ng kanyang lola para magsimba sa Quiapo Church. Doon daw niya nalaman ang tungkol sa Black Nazarene at sa milagro na puwedeng magawa nito sa kanyang buhay.

Lagi niyang dasal noon ay mabigyan siya ng maayos na trabaho para mabuhay niya ng maayos ang kanyang pamilya.

Taong 2007 habang kinukunan ang isang eksena sa pelikulang kinabilangan ni Coco na Tirador sa gitna ng prusisyon ng Black Nazarene, nagawang mahawakan ng aktor ang imahe at simula noon ay sunod-sunod na ang mga biyayang dumating sa kanya.

Kahit na abala si Coco sa kanyang trabaho, hindi niya nalilimutan na magsimba parati sa Quiapo para magpasalamat sa milagro na dumating sa kanyang showbiz career.

NOLI DE CASTRO
Sinuwerte ang pamilya

Higit na 30 years na ang pagiging deboto ng TV news anchor ng TV Patrol na si Noli ‘Boy’ de Castro sa imahe ng Black Nazarene.

Kahit na gaano pa ka-busy si Ka Noli, hindi siya nawawala tuwing Traslacion ng Black Nazarene.

Makikita na kabilang si Ka Noli sa tumutulong na humila ng kordon na siyang nagpapatakbo ng karosa na sakay ang Black Nazarene.

Hindi iniinda ni Ka Noli ang hirap na dala ng init at dami ng tao tuwing Traslacion. Huwag lang hindi siya makarating dahil naging panata na raw niya ito dahil sa mga magagandang pangyayari sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

CHRISTOPHER DE LEON
Gumaling si Sandy Andolong

Isa rin ang award-winning veteran actor na si Christopher de Leon na sumasama sa Traslacion ng Black Nazarene.

Parating pinagdarasal ni Boyet ang kalusugan ng kanyang pamil­ya, kabilang na rito ang naging sakit noon ng kanyang misis na si Sandy Andolong.

Dahil sa miracle of healing ay ginagawa ni Boyet ang kanyang makakaya para maging present sa taunang Traslacion ng Black Nazarene.

ANGELINE QUINTO
Milagro ang paggaling ng ina

May higit na 16 years na ang pagiging deboto ng singer na si Angeline Quinto sa Black Nazarene.

Nagawa pa raw ni Angeline na mapasama sa tinatawag na “sea of humanity” sa Traslacion at ginawa niya ito nang nakayapak.

Naging devotee si Angeline dahil sa ina niyang nagkaroon ng malubhang sakit. Tuwing bibista siya sa kanyang ina sa Philippine Heart Center, didiretso siya sa Quiapo Church para ipagdasal ang paggaling ng ina.

Noong milagrong gumaling ang kanyang ina, lalong lumakas ang pananampalataya ni Angeline sa Black Nazarene. May isang taon pa na nagawa niyang makasampa sa mismong imahe. Sa kanyang kuwarto ay may maliit na replica siya ng Black Nazarene.

GISELLE SANCHEZ
Nawala ang problema sa kalusugan

Dahil sa iniindang sakit for 10 years kaya humingi ng milagro ang komedyanteng si Giselle Sanchez sa Black Nazarene.

Taong 2008 nang ma-diagnose si Giselle na nagdala sa kanya ng maraming problema sa kalusugan. Hindi niya magawa ang usual na trabaho niya dahil sa kanyang sakit. Kaya bumaling siya sa Black Nazarene na agad na naramdaman niya ang milagro nito.

Kahit na hindi nakakasama sa Traslacion si Giselle, laging kasama sa kanyang pagdarasal ang pasasalamat sa Black Nazarene dahil sa paggaling niya.

Bilang pasasalamat ay parating nag-i-sponsor si Giselle ng feeding program ng Quiapo Church.

BAYANI AGBAYANI
Umani ng biyaya

Naging deboto ng Black Nazarene ang komedyanteng si Bayani Agbayani dahil sa kanyang ina na si Mila.

Tuwing mamamalengke raw sila sa Quiapo, hindi raw puwedeng hindi sila papasok sa Quiapo Church para magdasal at magpasalamat sa araw-araw nilang buhay.

Hanggang sa maging isang celebrity na si Ba­yani at nabigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang ina, patuloy ang pagiging deboto niya dahil galing lahat sa kanilang dasal ang natamo nilang biyaya.

Kaya taon-taon ay masisilayan si Bayani kasama ang maraming deboto ng Black Nazarene.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy