Una sa Balita

Kilalanin: Mga dugong Pinoy na nagbigay karangalan sa Pilipinas

0 993

Ni: Ruel Mendoza

Dahil sa sunod-sunod na panalo ng Fil-American singer-actor na si Darren Criss bilang best actor (Emmy, Golden Globe, Critic’s Choice) para sa ginawa niyang miniseries na The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story, muling nabigyang pansin ang talento ng Pinoy sa iba’t ibang larangan ng sining.

Kaya inilista natin ang pambihirang achievement ng mga Fil-American, o mga may dugong Pinoy na namayagpapg talaga sa buong mundo.

Ang nakakatuwa sa mga Fil-American na ito, o mga Pinoy na may dugong dayuhan, ay proud na proud sila na meron silang dugong Pinoy.

BRUNO MARS:

Ipinanganak sa Honolulu, Hawaii si Bruno Mars na may tunay na pangalan na Peter Gene Hernandez.

Ang kanyang lolo ay pinsan ng veteran actor na si Eddie Gutierrez. Kaya pamangkin siya ng mga anak ni Eddie na sina Ruffa, Richard and Raymond Gutierrez.

Isa sa best-sel­ling artists of all time si Mars na may higit na 130 million records sold worldwide since nagsimula ang kanyang music career in 2010.
Nanalo na siya ng 11 Grammy Awards and 9 American Music Awards.

JASMINE TRIAS:

Born in Honolulu, Hawaii to Filipino parents na taga-Tanza, Cavite, si Jasmine Trias ang kauna-unahang Fil-American na nakapasok sa Final Three ng 3rd season ng American Idol in 2004.

Wala pang social media noon at ang pagboto lang noon ay via text vote at pagtawag sa telepono.

Kahit na hindi nanalo si Jasmine, naging simula iyon ng pag-discover sa husay sa pag-awit ng mga Fil-American na nakapasok din sa American Idol tulad nina Camille Velasco, Sharon Galvez, Jose Penala, Thia Megia, AJ Tabaldo, Ramiele Malubay, Malaya Watson at pinakabongga sa lahat na si Jessica Sanchez.

JESSICA SANCHEZ:

Born in Chula Vista, California to a Mexican father and Filipino mother na taga-Samal, Bataan, si Jessica Sanchez ang first Fil-American na umabot sa Final Two showdown ng American Idol Season 11. Tinalo siya ng nakalaban niyang si Phillip Phillips.

Pagkatapos ng AI, nagbukas ang maraming pintuan para kay Jessica, kabilang rito ang pagkaroon ng guest role sa series na Glee, ang pagkanta ng American National Anthem sa White House at ang pakikipag-collaborate ng kanyang debut single with singer Ne-Yo.

CHERYL BURKE:

Born in San Francisco, California to an Irish-Russian father and Filipino mother, si Cheryl Burke ang unang professional dancer na nanalo ng magkasunod na seasons sa Dancing With The Stars ng ABC with Drew Lachey of 98 Degrees (season 2) and retired football player Emmitt Smith (season 3).

Lumaban din siya sa I Can Do That kunsaan nag-second place siya at pinalitan niya si Abby Lee Miller sa reality show na Dance Moms in 2017.
Nanalo siya ng Primetime Emmy Award in 2006 for Outstanding Choreography.

HAILEE STEINFELD:

Born in Los Angeles, California to a Jewish father and Filipino mother from Bohol, si Hailee ang kauna-unahang Fil-American na ma-nominate sa 2011 Oscar Awards for best supporting actress para sa 2010 film na True Grit.

She was only 13 years old noong gawin niya ang pelikula.

Nanalo siya ng 14 award para sa True Grit kabilang rito ang Toronto Film Critics, Vancouver Film Critics, Las Vegas Film Critics at Critic’s Choice Movie Award for Best Young Performer.

Mas kilala na ngayon si Hailey dahil sa mga box-office film na Pitch Perfect 2, Pitch Perfect 3, The Edge Of Seventeen at Bumble Bee.

ROBERT LOPEZ:

Si Robert Lopez ang kauna-unahang Fil-American na maka-achieve ng EGOT nang dalawang beses.

Ang EGOT ay isang elite group of artists na nanalo ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony Awards. Ka-level ni Lopez sina Rita Moreno, Mel Brooks, Whoopi Goldberg, Scott Rudin, Jonathan Tunick, Helen Hayes, Richard Rodgers, John Gielgud, Audrey Hepburn, Mike Nickols, Marvin Hamlisch at John Legend.

Nanalo si Lopez ng dalawang Daytime Emmy Awards for the series Wonder Pets; tatlong Grammy Awards for the soundtrack of Frozen and Book of Mormons; dalawang Oscars for original song para sa Let It Go (from Frozen) and Remember Me (from Coco) at tatlong Tony Awards for musical score sa Avenue Q and Book of Mormons.

Lopez was born in Manhattan, New York to a Filipino father and American mother.

VANESSA LACHEY:

Born in Clark Air Base in Angeles City, Pampanga to an American Army service man and a Filipino mother, si Vanessa Minnillo-Lachey ang kauna-unahang Fil-American na makoronahan bilang Miss Teen USA in 1998.

Kinasal siya sa lead vocalist ng boyband na 98 Degrees na si Nick Lachey noong 2011 at may tatlo silang anak.

Naging host si Vanessa ng MRL: Most Request Live at ng Entertainment Tonight in 2005.

Kasalukuyang host si Vanessa ng Top Chef Junior at kasama siya sa series na First Wives Club.

CONRAD RICAMORA:

Born to a Filipino father and German-Irish mother in Santa Maria, California, si Conrad Ricamora ang kinuhang gumanap bilang si Ninoy Aquino sa 2013 Off-Broadway musical na Here Lies Love sa The Public Theater in New York City.

Nanalo si Conrad ng best actor award sa Theater World Award at nakakuha siya ng nomination sa Lucille Lortel Award.

Gumanap din siya bilang si Lun Tha sa musical na The King & I sa Lincoln Center noong 2015.

Kasalukuyang napapanood si Conrad sa hit series ni Viola Davis na How To Get Away With Murder.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy