Una sa Balita

Kilalanin: Mga babaeng minahal ni Robin

By
0 6,096

 

Labing-isa ang naging girlfriend na hindi puwedeng pangalanan ang ibang mga aktres ang rebelasyon ni Robin Padilla sa Sexy Talk interview sa kanya ni Ricky Lo ng Philippine Star.

Lalong lumakas ang sex appeal ni Robin sa paningin ng mga kababaihan dahil sa kanyang mga naughty answer sa naughty and sexy questions ni Ricky.

Para naman sa mga karamihan, credible na endorser si Robin ng Bravo, ang food supplement capsules na nagbibigay sa mga kalalakihan ng matinding bedroom experience sa kanilang mga partner dahil sa malakas na charisma niya sa opposite sex.

Dahil sa pag-amin ni Robin na labing-isa ang ex-girlfriends niya, marami ang curious na malaman ang identity ng mga aktres na kanyang tinutukoy.

Open secret ang naging relasyon ni Robin kay Vina Morales noong dekada ’90. Pinuntahan namin si Liezl Sicangco sa bahay nito sa Pampanga para sa exclusive interview namin sa kanya at big news ang pahayag niya na nagbanta si Vina na magpapakamatay sa Bagong Taon kapag hindi binalikan ni Robin. At that time, asawa na ni Liezl si Robin.

Si Liezl ang dahilan ng break up nina Robin at Sharon Cuneta. Nadiskubre ni Sharon ang lihim na pagpapakasal nina Robin at Liezl na mahirap i-deny dahil lumabas ang kopya ng marriage certificate ng dalawa.

Public knowledge na nagkaroon ng relasyon si Robin sa former actress na si Leah Orosa, ang leading lady niya sa 1990 movie na Sa Diyos Lang Ako Susuko. Dalaga na ang nag-iisang anak nina Leah at Robin na si Camille.

Ex-girlfriend din ni Robin si Jobelle Salvador at balitang-balita na siya ang ama ng panganay na anak na lalake ng aktres.

Noong January 2011, ipinagtapat ni Jobelle na ang kanyang ex-boyfriend at hindi si Robin ang biological father ng anak niya na 26-years old na ngayon. Inako lamang ni Robin ang responsibilidad dahil itinanggi ng ex-boyfriend ni Jobelle na ito ang ama ng bata.

Muntik nang magtanan noon sina Robin at Kris Aquino pero nagbago ang isip ng ex-presidential daughter.

Hindi itinatanggi ni Robin na may nakaraan sila ni Kris pero you and me against the world ang love story nila dahil marami ang tutol sa kanilang relasyon.

Ikinuwento ni Robin na ipinaglaban ni Kris ang pagmamahalan nila at isinasama siya ng TV host-actress sa mga okasyon sa Malacanang Palace noong presidente pa si Cory Aquino.

Nangyari sa Malacañang Palace ang makasaysayan na bakbakan nina Robin at Richard Gomez dahil kay Kris.

Sa interbyu sa kanya noong July 2010, ipinagtapat ni Robin na siya ang may kasalanan sa break up nila ni Kris.

“Ako ang may kasalanan noon. Adik ako nu’n. Hindi ko na-value ang ginagawa niya. Nu’ng tapos na, saka ko na-value. Ako ang may diprensya.”

Year 1999 nang magtambal sa Bilib Ako Sa’Yo ng Viva Films si Robin at ang hottest sexy star noon na si Joyce Jimenez.

Ang mga close friend ni Joyce ang nagpatotoo na naging boyfriend ng sexy actress si Robin. Madalas na bisita si Robin sa bahay ni Joyce sa Pasig City pero hindi nagtagal ang relasyon nila.

Ruffa, Judy Ann, Jolina, Ai-Ai naging dyowa rin ni Robin?

Romantically linked din si Robin sa former beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez na leading lady niya sa 1994 movie na Lab Kita, Bilib Ka Ba?

Sa libro na inilabas niya noong 2016, ang Truth & Lies My Mother Told Me, ibinahagi ni Ruffa ang kuwento tungkol sa ex-boyfriend na si ‘Mr. Bad Boy’ na nagpa-tattoo sa katawan ng Miss World at unicorn bilang patunay ng pagmamahal sa kanya.

“He shows his love for you by punching everyone that talks to you. There was even one time, meron siyang muntik ihagis at Euphoria. It was so funny, but back then, it can be exciting,” ang sabi ni Ruffa na tumanggi na kumpirmahin kung si Robin ang Mr. Bad Boy na tinutukoy niya sa Truth & Lies My Mother Told Me.

Nang magsama sina Robin at Jolina Magdangal sa Tunay na Tunay: Gets Mo? Gets Ko!, ang 2000 movie ng Star Cinema, na-link din sila sa isa’t-isa pero itinuring lamang ito na publicity para sa kanilang pelikula.

Lumikha rin ng ingay ang pagsasama nina Robin at Judy Ann Santos sa 2002 television series ng ABS CBN, ang Basta’s Kasama Kita. Pinagbintangan ni Liezl na may relasyon ang dalawa sa phonepatch interview sa kanya ng Startalk noong November 2002.

Kusang namatay ang isyu dahil sa statement ni Robin na live nito na binasa sa The Buzz. Sinabi ng aktor na handa siya na talikuran ang television series nila ni Judy Ann, alang-alang sa kanyang pamilya dahil ito ang priority niya.

Hindi rin nakaligtas sa charm ni Robin ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas nang magsama sila sa Ikaw Pa Rin (Bongga Ka Boy!), ang pelikula ng Viva Films na pinagbidahan nila noong 2008.

Napabalita na naging intimate ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikula pero walang kumpirmasyon at mga ebidensya kaya inisip rin na publicity ang lahat para sa Ikaw Pa Rin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy