Una sa Balita

Kilalanin: Mga artistang lapitin ng multo

0 646

Dahil panahon ng Undas sa ­Pi­lipinas at Halloween naman sa Amerika, may kanya-kanyang mga ghost stories or kuwento ng mga kababalaghan ang mga local ­celebrity natin.

Hindi naman naiiba ang mga artista sa normal na mga tao na nakakaranas ng katatakutan at kakaibang ­elemento sa paligid nila.
Kaya heto ang ilang nakakatakot na kuwento ng mga piling celebrities sa Special Feature na ito…

 

Solenn madalas dalawin ng mga dark element sa France

Nilalabas daw ni Solenn Heussaff ang mga nararanasan niyang kababalag­han sa pamamagitan ng kanyang mga art works noon.

Masyado raw dark ang mga tema niya at ito ang ikinabahala ng kanyang ina kaya dinala niya si Solenn sa isang specialist.

Nagsimula raw ang paranormal experience ni Solenn noong teenager siya sa isang surf camp sa France.

Nakaramdam ito na may humawak sa kanyang braso at hinatak siya paba­lik sa dagat. Simula noon ay binibisita raw si Solenn ng dark elements na pinapakiusapan naman daw niyang huwag siyang guluhin.

Sa pamamagitan ng kanyang painting, nailalarawan ni Solenn ang mga elemento na gumagambala sa kanya.

 

Direk Dante nakapag-uwi ng kakaibang elemento

Nakilala ang award-winning director dahil sa mga pelikula niya na may kakaibang mga tema. Kabilang na rito ang kanyang horror film na may titulong “Sapi.”

Sa isang mabigat na eksena ng pelikula, naramdaman ni Direk Dante na parang may naiuwi siya sa kanilang tahanan na kung anong elemento.

Noong natutulog siya, nakaramdam ng isang kagat si Direk Dante sa bandang kaliwang mata niya. Noong tingnan niya ay para lang itong ma­liit na maga.

Habang tulog ay nararamdaman daw ni Direk Dante na lumilipat ang maliit na maga papunta sa kanyang noo.

Nagdasal daw nang taimtim si Direk Dante at bigla raw nawala ang na­turang maga na meron siya sa mukha.

 

Matteo tinabihan ng mahiwagang babae sa kotse

Ang Kapamilya hunk naman ay ibi­nahagi ang isang nakakakilabot na litrato kunsaan may babae siyang naka­tabi sa loob ng kotse:

“I had this dream car. I was with my Uncle and we checked out the vehicle. He was going to buy it. I went inside, sat down, and then my friend took a picture.

“The next day, Kim (Chiu) and Maja (Salvador), saw the picture. We saw that there was a girl beside me inside the vehicle, and she was like burnt—burnt ang itsura.

“Brand new ‘yung car, so hindi namin alam bakit ganon. I had to show it to a priest kasi hindi ako makatulog for two weeks. I was so paranoid.
“I decided to offer a mass because I couldn’t sleep. My Uncle brought back the car na lang, he returned it.”

 

Gerald minulto sa Bacolod

Mabilis naman daw makaramdam ang aktor na si Gerald Anderson pagdating sa mga multo. Kinuwento nga nito ang isang naranasan na ghost experience sa isang shooting ng pelikula.

“‘Yung big old house na ginamit as my house sa Bacolod kung saan namin nai-shoot ang ‘Everyday I Love You’… mayroon something doon!

“Hindi naman siya nagpakita pero alam mo na meron! Parang lagi siya nakatingin sa iyo, ‘yung ganu’ng pakiramdam…”

 

Ryan hinawakan ng espiritu

Merong paranormal show noon si Ryan Eigenmann na ang titulo ay “Misteryo” at dito raw siya nakakaramdam ng mga multo sa mga pinupuntahan ­nilang mga lugar.

Sa isang shoot daw nila sa isang ­lugar sa Manila City Hall na meron daw nagpaparamdam na espiritu, na­ramdaman ni Ryan na merong nakahawak sa kanya.

Noong tingnan ito ng mga kasama niyang paranormal consultants, nakita nila na isang mestisang babae ang humawak kay Ryan at parang humihingi raw ito ng tulong. Para raw kasing may attachment ang naturang multo kay Ryan.

 

Tonton, Glydel ‘di malimot ang ghost experience

Hindi raw makakalimutan ni Tonton Gutierrez ang isang ghost experience nila ng misis niyang si Glydel Mercado.

Noong matapos ang isang eksena nila sa pelikulang “Dalaw,” tinawag daw sila ng director para tingnan ang ini-edit na eksena nila.

Sa naturang scene, may isang bata raw na biglang sumilip sa may sli­ding door sa likod ni Glydel.

Nagtaka sila kung bakit may bata roon dahil noong mag-shoot sila ay wala naman daw ibang tao sa paligid kundi ang mga production people.

Kung may bata raw doon, nakita na raw sana nila bago mag-take. Baka raw nagambala nila ang spirit ng ­batang ito habang nagsu-shooting sila kaya ito nagpakita.

 

Matet naloka sa kasambahay na multo

Ang naging star ng pelikulang “Takot Ako, Eh” ay may sariling kinatakutan na ghost experience.

Noong puntahan daw si Matet ng kanyang hairstylist para sa isang rebonding session, ang kasambahay ng aktres ang nagpapasok dito.

Pagpasok daw ng kaibigan ni Matet, may pangalawang kasambahay daw itong nakita sa loob ng bahay na binati pa raw siya.

Nang bumaba na si Matet, nabanggit ng hairstylist na may pangalawang kasambahay na pala ito.

Parang nagulat si Matet dahil isa lang daw ang kasambahay niya!

Kaya hindi raw nag-atubili ang aktres na umalis na sa bahay na iyon dahil hindi raw niya kailangan ng pangala­wa pang kasambahay na isang multo!

 

Angeline dinalaw ng namayapang ama

Ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto ay minsan nang dinalaw ng kanyang amang yumao na…

“Kakalibing pa lang ni papa ko noong nangyari ito. Nakatambay kami ng kapatid ko sa bahay namin sa Las Piñas. Nag-picture-picture ‘yung kapatid ko, puro selfies so siya lang mag-isa.

“Pero doon sa pang-apat na shot niya, nasa likod niya si Papa, nakaupo kung saan siya lagi nakaupo. Akala ko noong una binibiro lang ako, pero kitang-kita sa cellphone ng kapatid ko.

“Madalas kapag ganun ‘di ba anino lang, kaso ‘yung kanya kasi may katawan kahit walang mukha, nakaupo pa kung paano siya umupo.

“Ang papa ko kasi kapag umupo laging naka-de kwatro at nakapatong ang kamay sa tuhod. Kini­labutan talaga kami noon.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy