Una sa Balita

Kilabot na plaka!

By
0 712

Sa hindi na mabilang na pagkakataon, muli na namang nakaladkad ang karangalan ng mga kagalang-galang nating mga kongresista nang dahil lang sa plaka na ikinakabit sa kanilang mga sasakyan na may numerong 8.

Kamakailan lang kasi, nag-viral sa social media ang video na makikita ang isang SUV na FJ LandCruiser na may plakang 8 na nanggigitgit sa isang motorista na babae ang driver sa Quezon City. Hindi nakita sa video kung sino ang driver ng SUV pero iisipin kaagad ng mga nakapanood na kung hindi kongresista ang nagmamaneho, ma­lamang anak o kamag-anak ng kongresista.

Ang plakang 8 kasi eh special plate na para lang “dapat” sa mga kongresista. Ang iba pang opisyal natin gaya ng angulo, bise presidente, mga senador at maging mga mahistrado eh may nakalaan din na special plate na para sa kanila.

Pero ang kurimaw natin na walang sasakyan, nagtataka kung bakit nga ba dapat bigyan ng “espesyal” na prebilehiyo sa lansangan ang mga opisyal natin. Ang isa at madalas na hinala kaya may special plate ang mga opisyal, para iwas-sita kapag nagmamadali sa lansangan — kahit pa kaya lumabag sila sa batas-trapiko?

Ang malaki nga lang na katanungan, paano kung napunta sa kamay ng gunggong at kriminal ang mga ganitong plaka, o kaya eh ginaya?

Related Posts

Ganito na nga ang nangyari sa SUV na FJ LandCruiser dahil lumitaw na bukod sa insidenteng kinasangkutan sa Quezon City, na-vi­deohan din ang sasak­yan sa Angeles City sa Pampanga na nasangkot sa road rage incident. Sa video, nakaharang ang SUV sa harap ng isang nakatigil na kotseng pula. Ang driver ng kotseng pula, nasa loob ng sasakyan niya habang may lalaki na nanapak sa kaniya mula sa labas. Ang nanapak na lalaki, ang driver ng SUV.

Bagaman nahuli na ang driver ng SUV, hindi pa tiyak kung siya rin ang driver na nanggitgit sa babaeng motorista sa Quezon City.

Ang pagkakaalam natin, kung gagamit man ng special o protocol plate sa sasakyan ng mga opisyal, dapat isa lang ang nakalagay sa harap at regular plate number na ang naka­kabit sa likod. Ang dahilan nito eh para matukoy pa rin ang sasakyan kung sakali.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang plakang 8 sa mga kalokohan. Noong 2014 sa Quezon City, ilang insidente ng panghoholdap at pang-aagaw ng bag ang nangyari at may plakang 8 ang gamit na sasakyan ng kawatan.
Noong 2016, isang sindikato na sangkot sa high class prostitution ang natimbog ng mga awtoridad at may nakita silang kotse na may plakang 8 na ginagamit na panghatid sa mga ibinubugaw na babae.

Siguro dapat malaman ni President Duterte ang pang-aabuso na nangyayari sa mga protocol at commemorative plate at nang iutos niya sa LTO at HPG na tuluyan nang pag-aalisin ang mga plakang ito. Gaya nang nakita nating Innova (gray) sa Mindanao Ave­nue, Quezon City na walang pakunda­ngan magpalipat-lipat ng linya dahil may nakakabit lang na plakang-NBI sa sasakyan niya. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy